Chapter 34 part 2

Start from the beginning
                                    

“Nanahimik ka na diyan? Don’t get me wrong anak, siyempre gusto kong maging masaya ka rin. Inabot ni Lourdes ang kanang kamay ng anak. “Jessie… as a mother we have to sacrifice our feelings ang laging priority ng isang ina ay ang anak..

 

“Katulad ng sacrifices na ginawa mo para lumaki lang ako na buo ang pamilya but in the end what happened?

“But I tried my best anak para isalba ang family natin kaya lang dumarating din pala sa point na mapapagod ka na. Why don’t you try it Jessie? Baka magworkout kayo ni Vincent, hindi natin pwedeng ikumpara ang sitwasyon nating dalawa.”

“Mommy, paano kung hindi pala?

 

“Then let’s cross the bridge when we come to it. Nandito naman ako lagi sa tabi mo. Puno ng encouragement ang mga salita ni Lourdes.

“Hindi ko alam, naguguluhan ako. Sabay buntong hininga ni Jesica.

Natigilan sila ng makitang nagmamadali si Vincent palabas ng study room. Tuloy tuloy itong lumabas ni hindi rin sila nilingon ng binata.

Nagakatinginan ang mag-ina. Makikita sa mga mata nila ang pagtataka sa inasal ng binata.

“Anong nangyari dun? hindi napigilan ni Lourdes na magtanong.

Nagkibit balikat lamang si Jesica. Tatanungin na lamang niya mamaya si Franco tungkol sa napag-usapan sa sudy room.

“I think I need to talk to your dad. Nagmamadaling tumayo sa kinauupuan si Lourdes.

 

“Franco, anong nangyari? Nilapitan rin ni Jesica ang kaibigan ng makitang palapit ito sa kanya.  

 

“I’ll tell you everything later. Tapusin na muna natin ang recipe mo dahil may hahabulin akong appointment. Kampanteng tugon ni Franco.

Walang nagawa si Jesica kundi sundin ang sinabi ng kaibigan, nahalata niya na umiiwas itong pag-usapan ang nangyari kanina.

“Ikukuwento mo sa akin mamaya ha? pangungulit ni Jesica.

Tinawanan lang siya ni Franco.

Samantalang sa study room ay seryosong nag-uusap ang mag-asawang Tenorio.

“Alejandro, sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Nanlalaki ang mga mata ni Lourdes.

 

“I’m sure that man is in love with our daughter. Tukoy ni Alejandro kay Vincent.

“Bakit mukhang galit ng lumabas? May nasabi ka bang hindi niya nagustuhan? sunud-sunod na tanong ni Lourdes. Ngayon lamang ulit silang nakapag-usap ng asawa na hindi niya ito sinisinghalan.

“Ayaw niyang paligwan si Jessie kay Franco kaya hinamon ko siya na pakasalan niya ang anak natin para wala ng ibang lalaking makakalapit sa kanya.”

“Oh God! sabay tutop ni Lourdes sa kanyang bibig.  “Anong sabi ni Vincent?

“Namutla ang loko, hindi niya inaasahan na hahamunin ko siya. Nakangiting tugon ni Alejandro. “Hayaan muna natin siyang makapag-isip lalo na committed pa siya kay Mia.

Tumango na lamang si Lourdes, alam niyang tama si Alejandro. Kailangan munang ayusin ni Vincent ang tungkol kay Mia dahil hindi niya rin naman papayagan na madamay si Jesica sa gulo.

“Bahala na ang mga bata na mag-ayos ng problema nila. Matamang tinitigan ni Aejandro ang asawa na nakaupo sa harap niya bago muling nagsalita.  “Ang dapat nating ayusin ay ang problema natin.

Napakunot ang noo ni Lourdes ng marinig ang sinabi ng asawa. “Hindi na maaayos ang problema natin Alejandro.Malamig na tugon ni Lourdes.

“Dahil ayaw mong ayusin, kung kailangang ligawan kita gagawin ko para mapatawad mo lang ako sa mga kasalanan ko. May pagpapakumbabang sabi ni Alejandro.

Naiilang si Lourdes sa mga titig ng asawa kaya walang sabi sabing iniwan nito si Alejandro.

Malungkot na sinundan na lamang ng tingin ni Alejandro ang papalabas na asawa. Ang dami niyang dapat ayusin sa pamilya niya, alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ang anak. Hindi niya rin masisisi si Lourdes kung sukdulan ang galit nito sa kanya pero sisiguruhin niyang magiging maayos din ang lahat.   

_____________

A.N.

Enjoy reding ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments :)

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now