CHAPTER 60: Tokyo Vs. Kanagawa

Começar do início
                                    

"Oo, dahil nakikita ko sa mga oras na'to na mas lamang ang depensa na ginagawa nila lalo na kay Sakuragi." Fujima

Napatingin silang lahat kay Fujima.

"Fujima..." Maki

"Pero kahit na ganun, may tiwala pa rin ako sa kanila. Pero kung magpapatuloy ang ganito, baka magkaroon ulit tayo ng substitution para palakasin lalo ang opensa at depensa natin." Wika ni Fujima.

"Ahh, posible ka yang ako yang tinutukoy mo Fujima?" nakangiting sabi ni Sendoh.

"Oo nga naman, Sendoh! Wala ka pang ambag sa score natin ngayon." singit ni Jin.

"Paano ba naman kase di pa ako pinapalaro ni Fujima." maktol niya.

"Pambira kang lalake ka, lakas mong makaasar sakin kanina. Nakalimutan mo ata yung sakripisyong ginawa ko sayo nung kumuha ka ng Remedial Exam?" sa tanong ni Jin nakatingin siya ng masama kay Sendoh.

Pero ngumiti lang si Sendoh at napakamot sa ulo.

"Hahahahah atleast pumasa naman ako diba? Kaya nandito ako ngayon hahahaha..." tawang sagot niya.

"Pumasa ka nga pero BUMAGSAK KA NG DALAWANG BESES SA REMEDIAL EXAM, PAMBIHIRA KA!" Jin

"Jin kalma!" tinapik ni Ikegami yung balikat niya.

"Sempai, kalma lang..." pakalma din ni Daisho sa kanya.

"Wala kang utang na loob..." Jin

"Oo na! Oo na! Maglalaro na ako!" Sendoh

*BLAAAAAGGG!*

Isang malakas na kalabog ang narinig nila sa gymansium. Nanlaki ang mga mata nila ng makita nila si Fukuda na nakaupo sa sahig habang katabi nito si Koshino na nakahiga sa sahig.

"A-Aray..." daing ni Koshino at napahawak siya sa tagiliran niya. "Fukuda ayos ka lang?" tanong niya dito.

Pero hindi sumagot si Fukuda sa halip nakatingin lang ito sa paa niya.

Napakagat siya sa ibabang labi niya dahil...

'B-bakit ganun... Hindi ko maigalaw ng maayos ang paa ko?' tanong ni Fukuda sa isip niya.

"Fukuda!" lumapit si Hanagata sa kanya saka ibinaba ang medyas nito.

Nanlaki ang mga mata nila dahil nagkaroon agad ng pasa sa itaas ng Ankle niya.

"Fukulot!" tawag ni Hanamichi.

Agad namang sumenyas si Hanagata kay Fujima.

Agad nakuha ni Fujima ang ibig niyang sabihin saka tiningnan ang isa officer ng scoring table.

Tumayo ang isang officer saka sinenyasan yung Referee na panig ng Tokyo.

(Pumito...)

Napatingin ang lahat ng Kanagawa Player sa kanila.

"SUBSTITUTION! TOKYO BLACK SAMURAIZ!" sigaw ng Referee.

"Na naman?" Gyoku

"Bilib ako sa inyo Kanagawa, nagawa niyong palaurin malalakas na player ng Tokyo." nakaismid na sabi ni Morisuke.

"Sino naman kaya ang ipapalit nila?" Kentaru

Sa Team's Bench ng Kanagawa ay nakatingin silang lahat kay Fujima.

"Coach Fujima, kahit ikaw ang pinakabatang Coach ng College Basketball hindi namin pwede maliitin ang IQ mo..." mahinang sabi ni Coach Mifune sa kinauupuan niya.

"Ano!" Uekusa

"Ipinasok na nila..." Shozaki

"Ang No. 7 ng Tokyo." Miyamasu

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora