CHAPTER 23

252K 9.4K 4.7K
                                    

"Mommy, bakit hindi natawag si Papa?" inosenteng usisa ng anak ko.

Kadarating niya lang at iyon agad ang itinanong niya sa akin sandaling umupo siya sa couch. Nandito kami ngayon sa silid ng pahingahan naming mga housekeeper.

Hilaw akong ngumiti at saka inisa-isang tanggalin ang butones ng suot niyang uniporme. "Baka busy lang, anak," paliwanag ko.

Ayaw kong ipakita sa kanya na maski ako ay naguguluhan na rin. It's been four days since Chaos left. Huling pag-uusap namin ay noong sinabi niya na ipahahatid niya si Erom sa akin. Natanong ko rin ang driver na sumusundo palagi sa anak ko kung nakakausap niya si Chaos pero pati siya ay hindi nito tinatawagan. Ang huli raw nilang pag-uusap ay ang pag-uutos ni Chaos na 'wag kakalimutan ang pagsundo sa anak ko.

Katatapos ko lang bihisan ng kumportableng damit si Erom nang mag-ingay ang telepono ko. Napabuntonghininga na lamang ako nang nakita ang pangalan ni Valjerome sa screen.

Apat na araw na rin mula nang pagtiisan ko ang lalaking ito!

"Need ka na po ulit sa work mo, Mommy?" tanong ng anak ko.

Malungkot akong ngumiti at marahan na hinaplos ang kanyang mukha. "Pasensya ka na, anak. Masyadong naging busy si Mommy nitong nagdaan, naiba kasi ang work ni Mommy kaya mas madalas akong wala rito."

He gave me a warm smile and hugged me tight. "I love you, Mommy. Thank you for everything," he murmured.

Hindi agad ako nakaimik o nakakilos man lang. Responsabilidad ko man ang mga ginagawa ko para sa kanya, hindi ko maipapagkaila na masarap sa pakiramdam na sa musmos niyang kaisipan ay alam niyang para sa kanya lahat ng ginagawa ko.

"Don't grow too fast, my prince," I said and kissed his head.

Marahan siyang humiwalay sa 'kin at saka umakyat sa kama para maabot ang taas ko. My son leaned slowly and kissed my forehead.

"Ingat ka po sa work," aniya.

Napangiti na lang ako at tumango. Labag man sa loob ko na iwanan na naman siya ay wala akong magawa.

"Here, play something on my phone when you get bored," sambit ko at inabot sa kanya ang aking telepono.

Tahimik iyong kinuha ng anak ko saka muli umayos ng upo.

"Huwag kang sasagot ng tawag kapag galing sa unregistered number, okay?" pagbibilin ko.

"I will, Mom," he answered.

I sighed and hugged him again. "Magwo-work na ako," mahinang anas ko at saka humiwalay.

Tumayo na ako saka marahan na tinalikuran ang anak ko. Sandali ko pa siyang nilingon nang nasa tapat na ako ng pintuan. Erom smiled and waved his hand at me. Ngumiti na lang ako pabalik saka tuluyang lumabas ng silid.




"ANO po ang kailangan niyo, Sir?" pormal kong wika nang narating ko ang suite ni Valjerome.

He's sitting comfortably on the couch. Hindi nakatakas sa 'king paningin ang kumpol ng papeles na nasa ibabaw ng center table.

"Staple them," he uttered.

Nagtiim bagang ako. Araw-araw ay dumodoble ang inis ko sa kanya. Hindi ko alam kung trabaho ba talaga ang pinagagawa niya o sadyang gusto niya lang akong pahirapan. Well, I chose to believe the latter.

Palihim akong nagpakawala ng hininga saka naglakad patungo sa mga papeles. Doon ko pa lang napansin ang isang stapler sa gilid ng mga papel.

"Where are you going?" he asked when I got the files and was about to leave.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now