CHAPTER 36

235K 8.5K 5.3K
                                    

"Are you okay, anak?" banayad kong usisa kay Erom habang nakaupo kami sa kama.

Nandito na kami sa condo ngayon. Kanina ko pang napapansin ang pananahimik niya mula nang nakasakay kami sa kotse.

Marahan niyang inangat ang kanyang paningin sa akin. "I'm okay, Mom. It's just... I'm tired," he answered.

Tipid akong ngumiti saka siya hinalikan sa noo. "Sige na, mahiga ka na. Ipagtitimpla na lang muna kita ng gatas para mas madali kang makakatulog,"

Tumango lang naman siya at saka sumunod sa sinabi ko. Pinanuod ko na maging kumportable sa pagkakahiga ang anak ko bago ako tumayo at umalis ng silid.

"Tulog na si Erom?" usisa ni Chaos nang nakarating ako sa kusina.

Nakaupo siya habang umiinom ng kape.

"Tutulog pa lang," tugon ko at nagtungo sa lababo para magtimpla ng gatas.

"Okay ka lang?"

Natigilan ako sa pagkilos nang itanong iyon sa akin ni Chaos.

Okay ba ako?

Kung hindi man ako okay, bakit? Ano'ng dahilan?

Napabuntonghininga ako at lumingon sa kanya, hindi ko maiwasan na makunsensya sandaling tumama ang paningin ko sa balikat niya.

"Pasensya ka na," mahinang wika ko at muling nagpatuloy sa aking ginagawa. "Dahil sa amin ay nasugatan ka," dagdag kong saad habang nakatalikod kay Chaos.

"It's okay, Jazzie. Hindi naman kayo naiiba sa akin," sagot niya sa akin.

Tipid na lang ako na napangiti at tinapos ang paghahalo sa gatas. Binitbit ko iyon at lumapit sa pwesto ni Chaos, sandali kong tinapik ang kanyang balikat bilang pasasalamat.

"Jazzie..." aniya nang asta akong magpapatuloy sa paglalakad.

I stared at him. "Yes?"

He cleared his throat and stood up from his seat. Pinaglapit niya ang distansya namin saka ako malamlam na tiningnan.

"About my offer back then... will you..." sandali siyang tumigil at huminga nang malalim. "Give me a chance?" he continued.

Hindi naman ako nakasagot o nakakilos man lang.

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. I respect your decisio—"

"Let's try it out," I cut him off.

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. Ilang beses siyang kumurap kasabay nang pag-awang ng labi niya.

"A-Ano ulit?" he stuttered.

I chuckled and shook my head.

"Subukan natin, Chaos," ani ko saka siya tinalikuran.

"I'm going home! Babalik ako bukas para manligaw!" sigaw niya nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto.

Hindi ko na naman siya nilingon at tuluyan ko na lang binuksan ang pinto. Ang kaninang ngiti sa labi ko ay gano'n kabilis nawala sandaling pumasok ako ng silid.

Alam ko na mali ang magdesisyon ng basta. Pero alam ko rin sa loob ko na tamang bigyan ng tyansa si Chaos. Siya ang sumalo sa amin ng anak ko sa mga nakalipas na taon. Kung may dapat man akong pagbigyan ng pagkakataon ay siya iyon at hindi ang dati kong asawa.

"Erom," masuyo kong tawag habang papalit ako sa kama.

Marahan naman siyang bumangon nang nakarating ako sa gilid niya.

"Thank you, Mom," he uttered when he reached the glass.

I smiled and disheveled his hair. "Anything for you, my prince."

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon