CHAPTER 14

259K 8K 6.2K
                                    

"Chill ka lang, Jazzie," I talked to myself.

Ilang beses akong nagpakawala ng hininga habang nakatitig sa parisukat na pregnancy test. Kasalukuyan akong nasa loob ng banyo at hinihintay na lumabas ang resulta sa aking hawak na gamit.

Nakagat ko ang ibaba kong labi nang lumitaw na ang pulang marka. Wala sa sarili akong napatukod sa lababo at napatitig sa repleksyon ko sa salamin.

What should I do?

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Nalilito ako, naguguluhan at kinakabahan.

"Hindi ka pa ba tapos diyan?" rinig kong wika ni Valjerome sa labas ng cr.

Mariin kong hinahawakan ang pregnancy test at saka naglakad patungo sa pintuan. Mabagal kong pinihit ang hawakan ng pinto hanggang sa nagtama ang paningin namin ng asawa ko nang buksan ko iyon. He's sitting on my bed. Magkakrus ang braso habang walang emosyon na nakatingin sa akin.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib dahil hindi ko man lang siya nakitaan ng galak tulad nang nababasa ko sa mga libro. Ngunit ano'ng aasahan ko? He's Valjerome, my ruthless husband.

Slowly, I walked in front of him and handed the test kit that I was holding. Tinanggap niya naman iyon at tinitigan. Mayamaya pa ay kumunot ang kanyang noo saka nag-angat ng tingin sa akin.

"You're pregnant?" tanong niya sa naninuguradong tono.

"Y-Yes," tugon ko at kinagat ang ibaba kong labi. "We're having a baby." I tried to smile.

He didn't speak for a moment. He just looked at me, emotionless.

"Uhmm. Should we make an appointment?" pagpapasigla ko sa 'king boses sa kabila nang malalakas na pagkabog ng dibdib ko sa kaba.

"Tingin mo, pwede na kaya tayong mamimili ngayon ng gamit ni ba—" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo sa pagkakaupo.

Gamit ang nanlalamig niyang paningin, mariin niya akong tinitigan saka iyon bumaba sa 'king tiyan. Hindi ko alam kung katotohanan ba na nakita ko ang saglit na pagpungay ng mga mata ni Valjerome o ilusyon lang na pilit kong pinaniniwala sa 'king sarili.

"Abort it," he coldly uttered when his eyes went back to me.

Napaawang ang labi ko sa narinig. Nagsimulang mangatal ang aking tuhod kasabay nang awtomatiko kong paghawak sa 'king tiyan.

"W-What did you say?"

Valjerome walked closer to me. "Abort that child. I don't want that," he said directly.

Napailing ako kasabay nang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. "Paano mo nasasabi iyan?" puno ng hinanakit kong wika, ang aking kamay ay nanatiling nakaprotekta sa 'king sinapupunan.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan?" aniya sa malamig na tono. "Ipaglaglag mo ang batang 'yan, tutal ay hindi pa rin naman siya nabubuo nang maayos."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na gawaran siya nang malakas na sampal. Dahilan para tumabingi ng bahagya ang kanyang mukha.

"Paano mo naiisipan na patayin ang anak mo?!" Tuluyan na akong napaluha sa sama ng loob. "Maski ba ang pagiging ama ay hindi mo na magawang gampanan ngayon, Valjerome?!"

Isang walang laman na tawa ang pinakawalan niya saka tumingin sa 'kin. "Hindi ko kailangan ng mga sermon o panunumbat mo, Jazzie. Alisin mo ang batang iyan sa madaling panahon kung hindi..." Umigting ang kanyang panga na tila nahihirapan sa idudugtong.

"Ano? Kung hindi, ano?" hamon ko habang tinutulak-tulak ang kanyang dibdib.

He held my hands and tightly gripped it. "Don't test my patience, Jazzie. Kapag hindi mo inalis ang batang iyan, palalayasin kita sa puder ko," he warned.

I blinked twice and let out a painful laugh. "Palayasin mo ako kung gano'n. Aalis ako, bubuhayin ko ang anak ko," matapang kong saad.

Valjerome smirked. I shrieked when he suddenly pulled my hair.

"Sino'ng nagsabi na bubuhayin ko rin ang batang 'yan sakaling palayasin kita?"

Nanlamig ang katawan ko sa narinig. Nananakit man ang anit ko sa matindi niyang pagsabunot ay walang papantay sa nararamdaman kong emosyonal na sakit ngayon.

"Why can't you just let our baby live?" nanghihina kong tanong, nakikiusap.

"Hindi ko gustong magkaanak sa 'yo," mabilis na sagot niya.

Kulang pa ang salitang basag sa nangyari sa puso ko ngayon. Ang marinig iyon mula sa kanya ay para bang namanhid ang buo kong katawan sa matinding sakit.

Ang lalaking mahal ko. Ang lalaking inakala ko na makakasama ko sa pagbuo ng pamilya ay... kabaligtaran ang gusto.

"Will you love me if I do it?" I asked weakly and glanced at him, my tears silently streaming down on my cheeks.

"Hindi ako nagmamahal, Jazzie," paglilinaw niya.

"Will you be happy if I do it?" pag-iiba ko sa 'king tanong.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay mabagal niya akong pinakawalan at tinalikuran. Asta na siyang lalabas ng silid nang tumigil siya sa paglalakad at saka ako nilingon.

"Yes, I will be happy when it's gone," he said and left me inside my room.

Tulala lang akong napatitig sa pintuan na pinaglabasan niya. Mayamaya pa ay marahan akong napaupo sa sahig at napahawak sa 'king tiyan.

"I-I'm sorry. I am really really sorry," I murmured and silently cried.

Mahigpit kong niyapos ang aking tiyan, dinadamdam ang munting panahon na nagagawa ko pa siyang yapusin bagamat naroon pa siya sa aking loob.

"Patawarin mo si Mommy, anak. I'm sorry."





"HIJA," salubong ni Manang Fe nang lumabas ako ng silid.

Malungkot akong ngumiti at saka nanghihinang yumakap sa kanya.

Narinig ko ang muling pagbukas ng aking kwarto kasabay nang paglabas ng doktora na umasikaso sa akin kanina.

"The abortion went well," aniya kay Valjerome na nakatayo sa gilid ng pader. "May naibigay na rin akong gamot pampaampat sa pagdurugo. If you need anything else, just give me a call."

Tinanguan niya lang ang doktora saka bumaling ng tingin sa akin.

"Go back to your room and rest," mahinahon niyang saad.

Nakakatawang isipin na sa panahon na ito ay nakikitaan ko siya ng pag-aalala at lungkot.

Enough with your illusions, Jazzie.

Hindi ko siya sinagot, pakiramdam ko ay pagkatapos ng mga nangyari ay nawalan ako ng gana sa lahat. Mahigpit akong yumakap kay Manang at isinubsob ang ulo ko sa balikat niya.

"Doon ko muna siya pagpapahingahin sa silid namin," ani Manang kay Valjerome.

Nakita ko mula sa gilid ng aking paningin ang pagbuntonghininga niya at saka tumango bilang pagpayag.

"Halika na," masuyong wika ni Manang at inalalayan akong maglakad.

Maingat akong pinahiga ni Manang sa kanyang kama sandaling narating namin ang silid. Tulad ng kanyang normal na ginagawa ay banayad niyang hinaplos ang buhok ko, tila sa gano'ng paraan niya ipinararamdam sa akin ang pagsuporta sa nararamdaman kong hirap ngayon.

"Ano po ba ang nagawa kong kasalanan, Manang? Bakit po ako pinarurusahan ng ganito?" bulong na anas ko.

"Makukuha mo rin ang lahat ng kasagutan sa 'yong mga tanong pagdating ng panahon, hija. Tulad nga ng sabi nila, lahat ng nangyayari ay may dahilan," pagpapalubagloob niya.

Pagak akong natawa kasabay nang pagtulo ng aking mga luha.

"Ano'ng dahilan niya para patayin ang anak naming dalawa?"

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora