Lumunok ako at buong tapang na sinalubong ang nagagalit na ekspresyon ni Isaac.

"You're not even yet my boyfriend, Isaac then you're acting like one? You're very malicious, too. Walang namamagitan sa amin ni Aiden dahil magkaibigan lang kami at nagkataon lang na nagkita kami sa parke. Alam mo, sawang-sawa na ako, e. You're always being a jealous and possesive freak without a reason!" Sigaw ko na ikinabigla niya.

Matagal na akong nagtitimpi kay Isaac. Hinayaan kong kontrolin niya ako at bigyan siya ng pagkakataon sa loob ng dalawang buwan para ligawan ako, sila ni Eli pero mas napapansin ko lang na kapag ipinagpatuloy ko pa ang pakikipagdate sa magkapatid na ito ay mas lalo lang nilang didiktahan at kokontrolin ang buhay ko.

I know they only love me pero masyadong selfish ang pagmamahal na tinatawag nila. If they love me, they should also understand me.

"What do you mean?" Tanong niya sa madiing tono.

"Stop courting me from now on. Kayo ni Eli. I tried to understand both of you pero hindi niyo ako maintindihan. You're also being jealous for no reason. Ayoko na, Isaac!" Naiiyak kong sabi.

Tumawa naman ito ng sarkastiko at padabog akong binitawan. Muntik pa akong mapasubsob dahil sa ginawa niya.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang sinuntok ang bintana ng kotse sa gilid niya dahilan para mabasag ito. Unti-unti na rin'g nagdugo ang kamao nito sa bubog ng bintana na sumugat sa kanya.

"You really know how to break my heart, Rebecca." He laugh again at tumingin ito sa labas ng bintana ng kotse.

Kitang-kita ko ang malalalim niyang paghinga na senyales na nagpipigil lang ito ng galit.

"Umalis ka na dito sa loob hangga't kaya ko pang kontrolin ang sarili ko." Sabi niya.

I sighed. "I'm sorry."

Napayuko nalang ako at kaagad nang umalis sa loob ng kotse niya. Tumakbo naman ako papunta sa field ng school at doon ay ibinuhos ko ang lahat ng luha ko.

I know I hurt Isaac but I don't think he deserves me. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga siya magawang mahalin, sila ni Eli.

Habang tahimik lang akong umiiyak na nakaupo mula sa wooden bench ay may tumabi sa akin. Nag-angat ako ng tingin at si Aiden ito.

He smiled at me at may kinuha ito mula sa bulsa ng suot niyang longsleeves polo shirt. It's a handkerchief, pagkatapos nun ay sinapo niya ang buong mukha ko at pinunasan ang mga luha ko.

Napatanga lang ako sa ginawa niya at hinayaan siyang gawin iyon. Pagkatapos ay inayos niya ang nagulo kong buhok.

"Ang unfair ng mundo, kahit umiiyak ka ay ang ganda-ganda mo pa rin. No doubt kung bakit maraming lalakeng nagkakagusto sa'yo." Tumawa siya at muling ngumiti sa akin.

When I'm with Aiden, sobrang gumaan ang pakiramdam ko. I feel so safe when he's with me.

"You already quitted in your band? Why? Dahil ba 'to sa akin?" Mahina kong tanong.

He nodded immediately.

"Nalaman ni Isaac na nagkita tayo. One of Demi's friend saw us in the park. Nagsumbong si Demi kay Isaac then ayon, dahil mas importante si Isaac sa banda kaysa sa akin ay ako nalang ang kumalas sa grupo. Don't worry, may plano na rin naman talaga akong umalis noon palang. I think being in a band is not my forte. Marami pa akong gustong gawin sa buhay instead of playing a guitar." He chuckled.

Kahit kailan talaga ang Demi na iyon! Gusto ba talaga niyang magkasira silang magkakaibigan? Pati tuloy si Aiden ay nadamay sa kalokohan niya.

"I'm sorry for that, Aiden." Paumanhin ko pero umiling lang siya.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon