Gumuho Ang Aking Mundo

12 2 0
                                    

Hindi ko pa rin mapigilan ang maluha,
Nang maalala ang kagabi nung umamin ako sa kanya.
Wala siyang ibinigay na sagot at tanging malungkot na ngiti ang iginawad niya.

Naalala ko pa kung paano ko pigilan ang sarili na umiyak sa harap niya.
Na manatiling nakangiti na para bang walang nangyari aminan sa amin dalawa.
Na naging rason nakaramdam ako ng hiya kapag nakita ko siya.

Tanggap ko naman ang posibilidad na mangyayari sa plano ko.
Tanggap ko rin naman na baka hindi niya tatanggapin ang puso ko.
Hindi mo naman ako masisisi kung bakit nasasaktan ako ngayon ng ganito.

May parte pa rin sa puso ko inaasam na tatanggapin niya ako.
Na sasabihin niya na gusto rin niya ako.
Na ako ang rason kung bakit bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Hinangad ko rin na mangyari ang mga naiisip ko.
Pero parang mananatiling panaginip ang lahat na ito.
Isang panaginip na sana magkakatotoo.

Ilang oras na ang nagdaan na hindi pa rin kita ngayon nakikita.
Ewan ko ba bakit kinabahan ako bigla.
Kahit nga kanina umaga masama na ang pakiramdam ko kahit na dapat ako'y maging masaya.

Graduation na ngayon at ito na rin ang dulo.
Hindi ko alam kung ano ang gusto mong kurso.
Basta alam ko na makakaya mo kahit ano.

Naalala ko na naman bigla ang mga panahon na magkasama tayo.
'Yung panay tayo kain at tawa sa mga kwento ko.
Na para bang hawak natin ang oras at sinusulit ito.

Panay ang tingin ko sa kung saan ka dapat uupo.
Pero hindi kita nakita doon kaya nadismaya ako.
Panay na rin ang chat ko sa'yo at hindi mo parin binabasa ito.

Nag-aalala na ako.
Hindi na rin ako mapakali sa kinauupuan ko.
Iba-iba na ang pumapasok sa isipan ko na pilit kong hindi tuunan ng pansin ang mga ito.

Paano kung umalis ka na?
Na iniwan mo na ako ngayon ng mag-isa?
Na kahit sa dulo hindi kita makasama.

Isang anunsyo ang nagpatigil ng tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko gumuho ang aking mundo nang marinig na wala ka na sa piling ko.
Na kahit tadhana wala ng magagawa para baguhin pa ito.

Nagmamahal, LeahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon