Bakit Mo 'Yon Ginawa

7 2 1
                                    

Nang makumpirma ko na wala ka na,
Nung pumunta ako sa bahay niyo para siguraduhin na tama ang sinasabi nila.
Doon na ako sa harap ng bahay niyo nanghina at umiyak ng walang sawa.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina.
Kagabi pa nga ang saya natin dalawa.
Bakit mo 'yon ginawa?

Hanggang ngayon nasa loob parin ako ng kwarto.
Umiiyak at nalulunod sa mga tanong na wala rin naman mahanap na sagot sa mga ito.
Iniisip kung nalaman ko ng maaga ang gumugulo sa isip mo baka may nagawa pa ako.

Na hindi sana mangyari ito.
Na hindi mo na sana maisip na magpatiwakal sa kung anong rason mo.
Na hindi mo sana kami iniwan ng ganito.

Kung sana hindi ako pinangunahan ng hiya at takot sa kung anong iisipin mo kung manghihimasok ako sa buhay mo,
Kung sana nilakasan ko nalang ang loob ko na iparamdam sa'yo kung ano ang nararamdaman ko,
Edi sana alam mo na may masasaktan kapag ginawa mo 'to.

Bakit mo 'yon ginawa?
Hindi mo ba kami inisip kung anong mararamdaman namin sa 'yong ginawa?
Ganoon na lang ba kadali para sa'yo ang iwan kami, ha?

Tinuloy pa rin nila mama ang selebrasyon para sa graduation ko,
Kahit na nag-aalala sila sa sitwasyon ko kung bakit ako umiiyak dito sa kwarto,
Kung bakit ako'y nagkukulong dito.

Nagmamahal, LeahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon