Nang Masabi ko Na Ang Mga Salita

4 2 0
                                    

Paano ba ako makakabawi sa'yo?
Hindi ko naman alam kung anong gusto mo,
Kung ano ang ayaw mo.

Gusto ko maibigay sa'yo ayon sa kung anong gusto mo.
Pero paano ko magagawa ang nais ko,
Kahit nga kausapin ka naduduwag ako.

Kinausap ko na nga mga nakakilala sa'yo kung anong gusto mo
Pati sila iba-iba ang sagot sa tanong ko
Naguguluhan na ako.

Araw-araw sinusubukan kong lapitan ka.
Araw-araw sinusubukan kong kausapin ka.
Ngunit bawat araw na sinusubukan ko palaging pinapangunahan ako ng kaba.

Pero nagulat ako nang ika'y lumapit sa'kin at kinausap mo ako.
Ang mas nakakagulat pa ay inaya mo pa akong kumain tayo.
Napamaang ako pero agad akong napatango.

Sa buong oras na kasama kita.
Wala akong ginawa kun'di pagmasdan ka't tumawa.
Ninanamnam ang bawat oras na kapiling ka.

Hindi ko pa man mawari kung anong nararamdaman 'to.
Ang tanging nasa isip ko lamang ay pasalamatan ka ng husto.
Na sa kabila ng lahat nandiyan ka't tinulungan mo ko.

Nang masabi ko na ang mga salita na gusto kong sabihin sa'yo.
Tanging ngiti lang ang ginawad mo.
Sapat na yata 'yun para ipaalam mo sa akin na tinanggap mo ang sinabi ko.

Nagmamahal, LeahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon