May Nagpapasaya Na Pala Sa'yo

8 2 1
                                    

Simula noong umpisa pa,
Alam ko na tayo ay hindi para sa isa't-isa.
Alam ko kasi malinaw pa sa tubig ang ating pagkakaiba.

Hindi ako ang tipo ng babae na gusto mo
At hindi ko rin hinahangad na gustuhin mo rin ako.
Ang gusto ko lamang ay maging masaya ka sa kung anong gusto mo.

Nung malaman ko na may nagpapasaya na pala sa'yo.
Masaya na ako at kuntento.
Masakit man isipin pero nagagalak ako para sa'yo.

Huwag ka sana mag-alala
Wala akong intensyon na agawin ka sa kanya.
Masaya na ako makita kang masaya sa kanya.

Nagmamahal, LeahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon