Hindi Na Katulad Ng Dati

5 2 0
                                    

Alam mo kinapalan ko na ang mukha ko.
Para magtagumpay ang plano,
Dapat tanggalin ang hiya na nasa katawan ko.

Araw-araw kinakausap kita,
Kinakamusta kung okay ka lang ba,
Kung kamusta ang araw mo.

Sinasagot mo naman ang mga tanong ko kahit na alam ko nakukulitan ka na.
Na binubura ko na ang linya sa pagitan natin dalawa.
Na gusto ko makapasok sa mundo na kung saan ka masaya.

Kapag kinekwentuhan kita,
Nagagalak ako dahil nakikinig ka.
Minsan nga napatulala ako kapag nakita kitang tumatawa.

Namiss ko kasi makita kang masaya.
'Yung totoong masaya.
Hindi nagpapanggap lang sa harap ng iba.

Hindi ka na nga masyado ngumingiti.
Hindi ka na rin ganoon kinakausap ng kaibigan mo palagi.
Hindi na katulad ng dati.

Kaya nang makita kitang masaya.
Para na rin ako'y nagtagumpay na.
Isa rin kasi 'yan ang gusto ko makita maliban sa isa.

Kapag inaaya rin kita,
Na tayong dalawa kumain ng magkasama.
Hindi ka naman tumatanggi at agad sumasama.

Madalas kasi kitang nakikita kumakain mag-isa.
Noon kasi ang mga kaibigan mo palagi ang 'yung kasama.
Iwan ko ba kung bakit hinayaan ka na lang nila.

Naging totoo ba silang kaibigan sa'yo?
O kinaibigan ka lang nila kasi may kailangan lang sila sa'yo?
Sana hindi totoo ang mga iniisip ko.

Kasi kung totoo man ito,
Wala talaga silang kwentang tao.
Wala talaga silang puso.

Nagmamahal, LeahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon