Liwanag na Dala ng Iyong Ngiti

22 3 2
                                    

Alam mo ba kung ano ang hindi ko makakalimutan?
Na kahit sa pagtulog ko laman parin ng aking isipan
Na kahit kailan ay hindi ako magsasawa na balik-balikan

Naalala ko pa noong unang kita ko pa sa'yo
Highschool pa lamang tayo
Ang ngiti mo ang unang kumuha ng atensyon ko

Hindi ko alam kung bakit ako nabighani sa ngiti mo
Siguro dahil sa liwanag na dala nito
Na sa palagay ko naramdaman ko ang taos-puso na kaligayahan mo

Alam ko naman na hindi lang ako ang nabighani sa liwanag mo
Kaya ang dami mong kaibigan dahil tunay ka at puro
Lahat naaliw sa liwanag na dala mo

Sana alam mo ang dala ng liwanag ng ngiti mo
Sana alam mo kung gaano kami kaapektado sa liwanag na dala mo
Sana alam mo ang lahat ng ito

Nagmamahal, LeahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon