Ayoko Ng Lumaban Pa

5 2 0
                                    

Alam kong wala na akong laban pa.
Kahit gawin ko man na akitin ka.
Alam kong siya parin ang 'yong nakikita.

Masaya ako na masaya kayo sa isa't-isa.
Kahit man masakit para sa akin na makitang may minamahal kang iba.
Ninanais ko naman na maging maligaya ka.

Ngayon ko lang nalaman na tatlong taon na kayong magkasama.
Noon pa man mayroon ka na palang iba.
Nililihim mo lang dahil ayaw mong may makisawsaw pa.

Kaya pala walang halos nakakaalam sa relasyon ninyong dalawa.
Tanging malalapit na kaibigan lang ninyo ang nakakaalam at wala ng iba.
Kaya ngayon hindi ako makapaniwala.

Nagulat ako at hindi makapagsalita.
Ngayon ko lang napagtanto may nagmamay-ari na sa'yo pala.
Na akala ko wala pa.

Noong una palang kita nakilala.
Sa loob ng tatlong taon kitang kasama.
Hinihintay ko ang pagkakataon na magustuhan mo rin ako higit pa sa pagkakaibigan natin dalawa.

Ngunit ngayon aminado ako na wala ng pag-asa.
Ayoko ng lumaban pa.
Ayoko ng pagpilitan ang nararamdaman ko sayo at magkasakitan tayong dalawa.

Nagmamahal, LeahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon