Ano Bang Nagustuhan Mo Sa Kanya?

4 2 0
                                    

Ano bang nagustuhan mo sa kanya?
Bakit ang saya mo kapag kapiling mo siya?
Totoo bang mahal mo na siya?

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.
Hanggang ngayon pinipilit ko pa rin tanggapin ang sinasabi nila,
Na may minamahal ka ng iba.

Sino ba siya?
Paano kayo nagkakilala?
Kailan pa kayo nagkasama?

Gusto ko malaman ang lahat sa kanya.
Gusto ko malaman kung anong meron siya.
Kung anong nagustuhan mo sa kanya.

Gusto kong hanapan siya ng mali.
Kung bakit hindi dapat siya ang 'yong pinili.
Kung bakit siya hindi kapili-pili.

Ngunit nung makita ko siya.
Nung makilala ko siya.
Agad akong nakonsensiya.

Mga maling naiisip ko sa kanya tila kinakain ako ng hiya.
Kagaya mo pati siya inisipan ko ng masama.
Kahit wala naman siya ginagawa.

Subrang bait niya.
Napakaganda niya.
Ang talino pa niya.

Walang kapintasan akong nakikita.
Lahat pinupuri siya sa aking ganda at sa pagiging simpleng tao niya.
Hindi siya katulad ng ibang babae na kailangan pang turuan ng disiplina.


Nagmamahal, LeahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon