Hindi naman talaga ako galit. Naisip ko lang na kahit kailan sa aming relasyon ay wala akong pinagselosan na babae dahil sa kaniya.

"Baby, that was my 'ex'. My past." pilit niyang ipinapaliwanag habang hinahabol ako.

It's been two days since I started "avoiding" him. Iniwan ko lang siya sa sofa noong nasa bahay kami at hindi ko siya nilabas maghapon kahit ng dumalaw siya kinabukasan.

"Okay." pilit kong pinatigas ang aking boses para hindi niya mahalata ang aking ngiti.

I don't have a hard time pretending to be angry. But I feel sorry for him now. Mukha kasi siyang gwapong zombie dahil sa eyebags niya. At least, gwapo pa din. Sana all.

"Umalis ka na. May klase pa ako." ani ko ng makarating kami sa aming classroom. He sighed and attempt to kiss my forehead pero umiwas ako.

Sorry, baby. Mamaya, bati na tayo.

Nagpatuloy ang araw ko pero nababanas na ako dahil kanina pa ako tinatanong ni Perse kung ano ang problema namin ng kambal niya.

"Wala nga! Joke lang 'yon." kumunot ang noo nila. Nasa hagdan na kami pababa para makapag-lunch sa cafeteria.

"Paanong joke? Okay ka lang?" napakamot ako sa kilay dahil hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag sa kanila.

Ano sasabihin ko? Na tinoyo lamang ako at gusto ko na suyuin ako?

"Oh, they're here na pala, 'e." napalingon ako sa tinuturo ni Brionny.

"Makikipagbati na ako sa kaniya..." napalingon sila sa akin at sabay na napangiti.

"Kahit hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan niyo, masaya ako..."

"Bakit ka sasaya?" tanong ko kay Perse.

"Salamat naman kasi at hindi na niya ako pupuntahan sa kwarto ko every fucking midnight! Damn, I don't want a girlfriend." umiling pa ito.

"Hatdog." tanging sabi ko na lang.

"Babe ko!" sigaw ni Thor pagkakita sa amin.

We expected him to go straight to Brionny but I was taken aback when he suddenly hugged me.

"Galit baby mo." natatawang bulong niya bago ako pakawalan.

"Fuck you, Thor." Adriel clenched his jaw.

"Bro, I have a girlfriend!" natatawang ani Thor.

"Then why the fuck did you hug my girlfriend?" hinila ako nito at itinabi sa kaniya.

"Wala naman. Namiss ko lang si Donna. Tss, kung hindi ko lang talaga love ang Brionny ko!"

"What?" maangas na tanong ni Adi at humakbang pa palapit kay Thor.

"Para kayong tanga. Let's go, I'm hungry." aya ko at saka hinatak si Adriel.

"Are we---"

"Adi baby!!!" naputol sa ere ang sasabihin ni Adriel nang salubungin siya ng yakap ng isang babae.

She had narrow eyes, a slender body, and she was also tall but only smaller than me. All i can say is ... she is fucking gorgeous.

Nanliit ako sa aking sarili habang pinagmamasdan sila.

"Mas maganda ka diyan." someone whispered that made me jump.

I glanced at Zyren. He smirked and patted my head.

"Hindi ako aso, pakyu ka." inis na singhal ko bago alisin ang kamay niya sa aking ulo.

"Maka-pakyu ka naman? Ikaw na nga kino-comfort diyan." he teased.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now