I wonder if Tito and Tita already knows about this. First, Archer's confession. Second, his proposal. I'm actually afraid of the thought that they don't like me for their son, but i've got to do anything that i can. If Archer did everything just to be deserving of my love, then i must do the same as well with him.

"Kiana! Mabuti naman at nagising ka na!"

Napangiti ako kaagad nang marinig ang magiliw na pagbati ni Manang Flor, "Good morning po!"

"Kanina pa kita gustong gisingin dahil lalamig na ang agahan mo ang kaso nga lang ay napakasarap ng tulog mo!"

Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya. Alam kong wala naman siyang alam pero ako lang ang sadyang iba ang iniisip.

'Yung alaga mo po kasi, pinagod ako kagabi.

"Ahh, si Archer po?" Pag-iiba ko nang usapan.

"Maagang umalis dahil may importanteng lakad daw siya! Ikaw nga ay inihabilin sa'kin dahil aalis nga! Nako at mukhang ayaw ka pang iwanan!"

Matamis akong napangiti. Wala namang nabanggit sa'kin si Archer na aalis siya ngayong araw gayunpaman ay mukhang importante nga ang lakad niya.

"Kiana, 'yang si Archer ay halatang mahal na mahal ka at nakikita kong gano'n ka rin naman sa kaniya. Sa totoo lang ay masaya ako para sa inyong dalawa." Ani Manang Flor.

"Salamat po..."

Imabot niya ang kamay ko saka marahang pinisil 'yon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba. Na parang talagang suportado niya ako.

"Bigay niya ba ito?" Hindi ko na namalayang sa engagement ring ko na pala nakatuon ang pansin niya.

"Ah, opo." Nakangiting sagot ko.

"Napakaganda. Halatang ginawa para sayo..."

"Hindi ko nga po ine-expect na makakapagsuot ako ng ganito, to think na galing pa sa kaniya."

"Bakit naman hindi?"

Mapait akong napangiti nang maalala ang tunay na dahilan, "Hindi naman po kasi katulad ng ibang relasyon 'yung sa'min ni Archer. He had a girlfriend and i was just there, watching them. I was secretly loving him for years kaya hindi ko na po inexpect na aabot kaming dalawa ganito."

"Ngayon ay ikakasal na kayo..."

"Pero hindi pa rin po madali. Okay na kaming dalawa, pero paano sa ibang tao? Sa magulang niya, sa mga kaibigan namin, sa mga taong nakapaligid sa'min. I don't care about my image if it will be ruined because of our relationship, pero hindi ko maaatim na masisira si Archer dahil lang pinili niya akong mahalin at pakasalan." Nangangambang saad ko.

"Mahal mo siya, hindi ba?"

Kumunot ang noo ko, "Opo."

"Mahal ka rin niya, hindi ba?"

Wala sa sariling tumango ako.

"Sa pagpapakasal, hindi madali ang lahat. Pwedeng ang buong mundo ang kalaban niyo kaya hindi lang pagmamahal ang importante. Kapag nagpakasal kayo, tiwala ang pinaka importante sa lahat kaya Kiana, magtiwala ka lang sa pagmamahalan ninyong dalawa..."

She's right. I should trust Archer more than anyone else because this is us against them.

"Kailan ba ang kasal niyong dalawa?"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa namin napag-uusapan ni Archer ang tugkol sa kasal dahil biglaan lang naman ang proposal niya. Hindi naman ako nagmamadali at ayos lang kung kahit kailan.

SerendipityHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin