Me:
Okay. I won't move a single step. Faster! haha.

I told him laughing.  Oh! so they brought a car. Sosyal na naman yan for sure.

Dito na muna ako magtambay hanggang inaantay sila. Sino naman ang kasama niya. Another Chinese. Nosebleed talaga 'to, mapapalaban ako ng English.  The view is breathtaking. I was  looking around ng may mahagip ang mata ko na naglalakad na lalaki.  Parang familiar naman. Kamukha no'ng kaibigan ni Caden. Hindi siguro grabe naman na coincidence to. Hanggang dito ba naman. Napapraning kana Allie.

" Bella?" nagtataka niyang sabi. He is wearing an aviator at tinanggal niya ng tinawag niya name ko. Shit siya nga. As in? Para naman akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Di ko alam anong sasabihin. Kakagulat naman. Grabe nagkita talaga kami ngayon dito. Joke ba to? Sinampal ko pa ang sariling mukha ko. Natawa naman siya.

" Seryoso? Hindi ako nanaginip? Nandito ka rin?", nagtatakang sabi ko at nabibigla pa rin.

" Tumawa pa siya. Yes i'm here. Taga dito ako. Hongkong is still a part of China. Ikaw? Kala namin nasa Bali ka?", tanong niya. Bakit alam niya? Napakunot naman ang noo ko sa kan'ya. Chismoso din ang isang 'to.

" Chismoso ka din no? Bakit alam mo na nasa Bali ako?", pagtataray kong tanong sa kan'ya sabay hawak pa sa beywang ko.

"Oppsss. Wait! I like your hair. You even look hotter and younger.",he praised me with those words but with a mischievous smile plastered on his face. Hmp! lalaki talaga.

" Should i take that as a compliment or the other way?", nasabi ko nalang. Kainis to!

"Hey, I'm serious here. You look good. Sa tanong mo, alam namin na nag Malaysia ka, nagpunta ng Bali. Hindi ko lang nabalitaan na dumaan ka ng Hongkong. Bakit namin alam? Kulang nalang kasi baliktarin ni Caden ang mga Airport para lang malaman kung nasaan ka. Ginamit ang connection niya. Kung hindi pa yon pinigilan ni Zeus at Allen baka nakasama mo na sa Malaysia pa lang at di kana nakarating ng Bali. Pati kami madamay. Hay pag ibig. " sabi niya na umiiling pa.

Hindi ako makapagsalita. Nablangko kasi ang utak ko. Bakit niya ako hahanapin? Nag eenjoy naman siya sa girlfriend niya. Ayokong mag comment baka ano pa masabi ko. Narinig ko siyang nagsalita ulit.

"He's totally head over heels in love with you Bella. Ngayon lang namin nakita si Caden ng gano'n. Kung ano man ang nakita mo bago ka umalis, you better talk to him. Sana you give him a chance. He's so serious towards you. Sana pag isipan mo. Ayaw lang namin mangyari ulit ang nangyari sa kan'ya 10 years ago. Nakikiusap ako. ", nakita ko ang sincerity sa mga mata niya. Napaka seryoso niya. Nakita ko kasi ang pilyo niyang ngiti parati pero ngayon seryoso siyang nakikiusap sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.

"May hinahanap ka dito?", basag ko sa katahimikan namin at pag iba ng usapan.

"Nothing, but I'm with my cousin. My imemeet siya dito. Saan na ba yon? Nagpark lang yon saglit ang tagal na." palingon lingon siya.

"Ikaw?",  tanong naman niya sa akin.

" May I meet up din ako na kaibigan dito." tipid kong sabi. Tapos nakita ko kinuha niya phone niya at tinapat sa aming dalawa. Magkatabi kasi kami at nagtake siya ng picture namin.

" Sorry ha, need ko lang ng evidence. hehe!",  natatawa ni'yang sabi. Napailing na lang ako. Alam ko isesend niya kay Caden. Musta na kaya siya. Di ko muna siya iisipin.

Love Taken ChancesWhere stories live. Discover now