Yung maranyang buhay, kaya kong makuha iyon kahit wala ang yamang iniwan sa akin ng Lolo ko. Pero ang pagmamahal na ito, yung meron kami ni Ryu ngayon, hindi ko na mahahanap pa ito sa kahit kanino.



I tried to like somebody before but I failed. Tanging kay Ryu ko lang natagpuan lahat ng bagay ng hinahanap ko. Kung kayat wala na akong balak pang bitawan siya.



"What's wrong?"



Nag-aalala kong tanong kay Ryu nang salubungin niya ako ng mahigpit na yakap at pag-iyak.



Kinabahan ako dahil ang pinaka ayaw kong bagay sa lahat ang makita siyang umiyak.



Noong araw na nakita ko siyang umiiyak dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Giselle ay labis akong nasaktan.



Bawat luhang pumapatak sa mula sa kaniyang mga mata, parang asidong tumutunaw sa aking puso.



Umiling siya. He told me that he just miss me. Napangiti nalang ako. Ryu is not really expressive when it comes to his feelings. Noon, pakiramdam ko ay nahihiya pa rin siya na ilabas yung nararamdaman niya.





Pakiramdam ko ay hindi siya komportable. Kaya naman ginawa ko ang lahat to make him comfortable with me. Lately, I noticed that his improving in showing his affection and emotions. Nagiging clingy na rin siya, something that I really like.



Gusto ko iyong lagi siyang nakadikit sa akin. Gusto ko iyong lagi niya akong tinitext at tinatawagan. Gusto ko iyong ganon. Kaya sa mga little improvements niya ngayon ay sobrang saya ko.





Nakakainis lamang at nahahati ang oras ko dahil sa training. Lately halos late na ako nakakauwi at hindi ko na rin siya nasusundo. Naguilty tuloy ako kaya naman pinangako ko sa kaniya na after this tournament ay lalabas kami.



Sa mga nagdaang araw, may napansin rin ako kay Ryu. Madalas ay tulala siya at parang ang lalim ng iniisip. Alam kong may bumabagabag sa kaniya at gusto ko siyang tanungin about duon ngunit nag aalangan ako.



Gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin. Pakiramdam ko ay naghahanap lamang siya pagkakataon kaya naman hinayaan ko lamang.



"Jasper."



Bahagya akong nagulat nang makita ko si Kuya Ryve sa labas ng building namin.



"Kuya Ryve, uh may kailangan kaba?"



Tanong ko sa kaniya.



Inaya niya ako sa isang coffee shop sa labas ng University at gusto daw niya ako makausap.



Noong unang pagkakakilala k okay Kuya Ryve ay talagang nakaramdam ako ng takot.



-Flashback-



Naalimpungatan ako sa pagkakatulog at pagmulat ko ng mga mata ko ay wala na si Ryu sa tabi ko.



"Ikaw ba si Jasper?"



Isang seryoso at malamig na boses ang narinig ko kaya naman mabilis akong napabangot.



Nakita ko ang isang lalaki na kahawig ni Ryu na nakaupo sa upuan ng study table ng boyfriend ko. Naka pamulsa ang kaniyang mga kamay at diretsong naka tingin sa akin.



"Uh, o-oo ako nga." Sagot ko.





Tinitigan ako nito ng matagal na nagbigay ng kaunting kaba sa akin. Marahil ay ito si Kuya Ryve ni Ryu.



The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Where stories live. Discover now