Chapter 27

719 40 6
                                    

Chapter 27

Happiest



Nagising ako nang ala-sais ng hapon. Mahigpit parin ang yakap sa akin ni Jasper at nararamdaman ko pa rin ang mainit niyang hinga sa aking leeg. Naririnig ko rin ang mumunti niyang paghilik.





Hindi nagbago ang posisyon namin kaninang natulog kami. Mingat kong inalis ang kamay niyang nasa ibabaw ng aking tiyan at ang paa niyang nakadagan sa aking binti upang tumayo sa aking pagkakahiga. Naupo ako sa kaniyang tabi.





Saglit kong pinagmasdan ang kaniyang mukha. Napangiti nalang ako habang dahan dahang hinahawi patungo sa gilid ng kaniyang mukha ang mga strands ng kaniyang buhok na nakakalat sa kaniyang mukha.





"Hays, ang unfair. Why do you have to be this handsome even while you're at sleep?" I murmured as I stared at his face.







I took my phone to take a photo of him. I bit my lower lip as I looked at his picture. Until now, I still can't believe that this handsome guy loves me. I have never pictured this kind of scenario in my mind. I have never expected this kind of wonderful thing that would happen to me. I'm still in awe after all that happened to between the two of us in a span of few months.





Ngunit kahit ganon, alam ko sa sarili ko na totoo itong nararamdaman ko kay Jasper. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami, kung hanggang saan aabot itong relasyon namin. Ngunit isa lang ang sigurado ko, hanggang kaya ko, hanggang mahal ko siya at mahal niya ako, hindi ko bibitawan ang kamay niya ano man ang mangyari.





Bumuga ako ng hangin at binigyan siya ng marahang halik sa pisngi bago bumaba. Saktong pagbaba ko ay kakabukas ni Mama ng pintuan at pagpasok ni Papa.







"Pa!" Masiglang tawag ko sa kaniya at saka siya sinalubong ng yakap. "Oh anak, andito kana pala." Sabi niya.





"Kasama mo ba si Jasper?" Nakangiting tanong niya na medyo ikinapula ng aking pisngi.



"Opo, sabi niyo dalhin ko siya rito." Sagot ko.



"Mabuti kung gayon. Sa wakas ay makikilala ko na rin ang matapang na lalaking, nagpaibig sa iyo." Sabi ni Papa na nasa tono ang pang-aasar.





Sumimangot ako. "Papa!" Pagbawal ko sa kaniya. Tumawa naman siya saka ginulo ang aking buhok.





"Hay, huwag mo na ngang asarin ang anak mo, Richard." Saad ni Mama kinuha niya ang dalang bag ni Papa at coat nito at nagpaalam na ilalagay sa kwarto nila.



Tumigil naman si Papa sa pagtawa at tumango.



"O siya titigil na. Pero Ryu, marami kaming pag-uusapa ni Jasper. Asan ba siya?" Tanong niya.



"Nasa taas po, natutulog." Sagot ko. Tumango siya. "Sige, mamaya nalang pag-gising at magbibihis na muna ako." Nagpaalam na siya sa akin at sumunod kay Mama.





Ako naman ay dumiretso sa kusina. Nakita kong may iniwang nakasalang si Mama sa stove at may mga nakalatag na rekado ng ulam sa mesa kaya naman ako na ang nagtuloy ng paghihiwa ng naiwang kailangang hiwain. Bumalik rin naman kaagad si Mama.





Nasa kalagitnaan kami ng pagluluto ng marinig namin ang pagbukas muli ng front door at kasunod noon ay ang paglitaw ni Kuya sa pintuan ng kusina.



"Kuya!" Tawag ko sa kaniya. Medyo kinakabahan.





"Ryu, mabuti at nandito kana." Lumapit siya at nagmano kay Mama. Ipinatong niya sa ulo ko ang kaniyang kamay at ginulo iyon nang dumaan siya sa likod ko. Iyon ang hilig niyang gawin sa akin noon pa man.





The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Where stories live. Discover now