Chapter 33

673 42 3
                                    

Chapter Soundtrack: Ikaw Lamang by: Silent Sanctuary 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 33

Ikaw lang

After what happened, hindi ko na nakuha pang pumasok. Dumiretso nalang ako sa apartment dahil alam kong hindi ko kayang magpretend sa harap ng ibang tao na ayos lang ako matapos ang nasaksihan ko.


Ayokong mag-alala si Athena at baka malaman pa ni Kyo ang nangyari kaya mas mabuti nang hindi na ako bumalik sa klase.


Naka-received ako ng text messages kay Athena at tinatanong kung nasaan na raw ba ako at malapit na magtime. Classmate kasi kami sa natitirang dalawang subject ngayong hapon.




Sinabi ko nalang sa kaniya na naging masama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako. Kinulit niya pa nga ako dahil hindi raw siya naniniwala, well sino ba kasi ang maniniwala sa basag kong boses at hindi mapigil na pagiyak.




Kalaunan ay sumuko rin siya at sinabi na pupuntahan nalang niya ako mamaya after class, siya na rind aw bahala na mag excuse sa akin sa mga prof namin. After ng tawag ay pinatay ko ang cellphone ko dahil ayaw tumigil ni Jasper na mag text at tumawag.




Nahiga lamang ako sa kama habang walang tigil pa rin ang pagtulo ng luha ko. Paulit-ulit sa isip ko yung senaryo ng paghahalikan nina Giselle at Jasper. Sobrang sakit at pakiramdam ko ay paulit-ulit akong dinudurog.




"Shit! Ang sakit pala nito." Natatawa kong sabi habang paulit-ulit na pinupunasan ang luha sa aking pisngi, na useless rin naman dahil parang sirang gripo ang mga mata ko na ayaw tumigil na maglabas ng luha.




Parang lahat ng masayang memories namin ni Jasper, lahat ng sinabi niya sa akin, lahat ng ipinakita niya unti-unting nabalewala. Shit!!


Bakit? Bakit niya yun nagawa? Niloloko lang ba niya ako? Pinaglalaruan? Lahat ba ng sinabi niya sa akin noon kasinungalingan?


I know it's too early to conclude but fuck! It hurts like hell! Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin pa. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pakinggan ang paliwanag niya. Urgh! Bakit ngayon pa ito nangyari? Bakit ngayon pa na naibigay ko na sa kaniya lahat ng buong tiwala at pagmmahal ko?




Akala ko makakatulog ako nang mga oras na iyon dahil sa kakaiyak ngunit hindi nabigo lamang ako. Nag pasya akong magtungo nalang sac r para maligo. Binuksan ko ang shower at tumapat roon ng hindi hinuhubad ang damit ko.




Kasabay ng bagsak ng tubig sa aking katawan ay ang patuloy na pagbagsak ng aking luha. Naupo ako roon at niyakap ang aking mga tuhod at duon ay umiyak ako ng umiyak.






Hindi ko alam kung gaano na katagal aong nanatili roon nang may magbukas ng pintuan ng cr. Medyo nagulat pa ako dahil alam kong nai-lock ko ang pintuan ng unit ko kanina kaya walang ibang tao ang makakapasok.




"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Jasper. Galit ako ngunit masyado na akong nanghihina.




Nakita kong mapula ang kaniyang mga mata nang lumapit siya sa akin. Pinatay niya ang shower at lumuhod sa harapan ko.




"I'm sorry. I'm sorry baby, I'm sorry." Paulit ulit niyang paghingi ng tawad sa akin.


Nakita kong tumulo ang kaniyang mga luha na labis kong ikinagulat. Nagiwas ako ng tingin dahil sa nakikita ko, parang guguho kaagad ang galit sa aking dibdib.




The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Where stories live. Discover now