Chapter 28

730 34 2
                                    

 Chapter 28

Hindi kita iiwan

Not all homosexual people have a supportive parents just like mine. And not all parents can easily accept the true identity of their child. This is why I am truly grateful that I have such a wonderful parents. They accepted me for who I am and they accepted Jasper. Right now, I couldn't ask for anything. I am so happy and contented.





"Thank you, ma." Sabi ko kay Mama saka siya niyakap mula sa likod.



Tapos na kaming kumain at inaya ni Papa si Jasper kasama si Kuya sa garden area ng bahay. Nagaya ng inuman si Papa. Ako naman ay nagpaiwan upang tulungan si Mama na magligpit at maghugas.





Idinantay ko sa kaniyang balikat ang aking ulo.



"Para saan ka naman nagpapasalamat Ryu?" Tanong ni Mama na nahihimigan ko ang pagtawa.





"Sa maraming bagay, Ma. Simula noong bata ako, sinuportahan niyo ako ni Papa sa lahat ng gusto kong gawin. Hanggang ngayon, tinanggap at sinuporthan niyo ang relasyon na meron kami ni Japser. Maraming maraming salamat sa pagtanggap sa akin ma." Naiiyak kong sabi.





Kinalas ni Mama ang mga kamay kong nakapulupot sa kaniyang baywang at humarap sa akin. Ngumiti siya at hinagkan ang dalawa kong pisngi.





"Anak ka namin at mahal na mahal ka namin. Kahit ano ka pa, kahit sino pa ang taong mahalin mo hanggat masaya ka at wala kang nasasaktan na iba, susuportahan ka namin. Tandaan mo iyan." Sabi niya.



Tumango ako at tuluyan siyang niyakap. Tuluyang kumawala ang mga luha sa aking mata. Luha dahil sa labis na kasiyahan.





Nang matapos kami maglinis ay pinuntahan ko sina Papa sa garden. Siya lamang ang nabutan ko roon. Ang sabi niya ay lumabas sina Jasper at Kuya upang bumili ng alak. Medyo kinabahan pa ako dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung tanggap o hindi ni Kuya kami ni Jasper, dahil kanina pa siya tahimik. Hindi rin naman siya nagpakita ng pagkadisgusto dahil kita kong maayos at casual ang pakikipag usap niya kay Jasper.





Halos kalahating oras din ang lumipas nang makabalik sila. Palihim kong sinipat ang mukha ni Jasper at naghahanap ng gasgas or pasa dahil baka nag ayaw sila at nagbugbugan.





Napansin ni Jasper ang pagtitig ko sa kaniya kaya kumunot ang kaniyang noo.





"Bakit?" Mahina niyang tanong sa akin.



"Wala." Umiling ako.



Para namang hindi siya naniniwala ngunit hindi na siya nagsalita pa. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at ipinatong sa kaniyang kaliwang hita gaya kaninang kumakain kami.





Nagsimula ang inuman. Hindi naman ako mahilig uminom kaya isang beer in can lamang ang akin. Nakikinig at nakikipag kwentuhan lamang ako sa kanila. Mostly ay school stuffs lang ang mga tinatanong ni Papa kay Jasper at ang plano nito after graduation.





"Wala ka bang planong bumalik sa LA?" Tanong ni Papa.





Napatigil si Jasper. Umawang ang kaniyang bibig at tila nag-aalangan sa kaniyang sagot. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay.





Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko naisip ang bagay na ito. Jasper's family aren't here. Kahit may ilang relative siya rito, iba pa rin ang pamilya niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot sa isiping darating ang araw na kakailanganing bumalik ni Jasper sa LA.





The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon