Chapter 18

966 45 0
                                    

Chapter 18

Keep smiling, it makes me happy


"Let's date."


Diretsong sabi ko na nakapagpatigil sa kaniya.


Ilang segundo pa bago siya nakabawi.


"A...are you serious?" Paninigurado niya.


Ngumiti ako saka tumango.



"Hmm. Bbakit, ayaw mon a ba?" Natatawa kong tanong. Umiling siya saka kinuha ang kamay ko.



"Of course not! You don't know how happy I am right now." Masuyong sabi niya. "I promise, hindi mo ito pagsisihan."



Ngumiti lamang ako sa kaniya saka tumango.



Actually, I don't care kung pagsisihan ko man ang desisyon kong ito sa huli. Tulad ng sinabi ko, kung ano man ang kahinatnan ng deisyon kong ito sa huli ay tatanggapin ko.



"Sige, pasok na ako. Kita tayo bukas." Paalam ko sa kaniya.



"Okay, I'll see you tomorrow. Good night, Ryu."



"Good night, Jasper."



Kumaway ako sa kaniya bago ko isara ang pintuan ng unit ko. Bumuga ako ng hangin at may ngiti sa labing nagtungo sa aking kwarto. Nangako ako kay Papa na lagi kong pipiliin kung ano ang makapag-papasaya sa akin. Masaya ako sa desisyon ko iyon na muna ang iisipin ko.



Kinaumagahan ay ang nakangising mukha ni Jasper ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pintuan ng aking unit. Sa mga nagdaang araw, lagi na siyang nakangiti. Hindi gaya noon na lagi lamang siyang seryoso, nagmumukha tuloy siyang masungit at suplado!



"Good morning." Bati niya sa akin. "Good morning." Ganti ko sa kaniya.



Masaya kaming naguusap habang pababa ng building patungo sa parking. Inaya niya akong mag-breakfast muna bago tumuloy sa University.



Sa isang fastfood restaurant kami kumain. Nag-alangan pa ako noong una dahil baka may makakita sa amin ngunit naisip ko na wala naman siguro silang iisipin na iba kung sakaling may mga ka-schoolmate kaming makakita sa amin diba? Iisipin lamang nila na normal kaming magkaibigan na sabay kumakain ng agahan!



Medyo naging praning na ako simula noong maging aware ako sa nararamdaman ko kay Jasper. Pakiramdam ko sa tuwing kami lang dalawa ang magkasama, iisipin ng ibang tao na may iba kaming relasyon!

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Where stories live. Discover now