Chapter 10

1.1K 60 2
                                    

Chapter 10

What do you want?



Tulad ng inaasahan ay hindi ako nakatulog kaagad nang gabing iyon. Bukod sa ang haba ng naging tulog ko noong hapon ay hindi rin ako tinantanan ng IG story ni Jasper kagabi. Ayokong mag assume ng kahit ano, pero hindi ko maiwasang isipin.




Bakit naman ako i-story ni Jasper at lalagyan ng ganong caption? Hindi naman siguro siya bading or what hindi ba? Don't get me wrong, wala naman akong issue sa mga homosexual people okay. I respect them. Naguguluhan lang talaga ako kay Jasper.



O baka naman ako lamang iyon nag a-assume ng mga bagay bagay? Sabi nga sa accounting, 'don't assume unless otherwise stated'. Tama! Walang kapupuntahan ang bagay na iniisip ko. Marahil ay imagination ko lamang iyon. Baka ibang tao iyon at iyong date.......... baka iba iyon. Tsaka diba, sabi ni Jasper may tao na siyang nagugustuhan.



Tama. He likes that person for nine-years! Baka hindi nalang like iyon, baka mahal na mahal na niya iyong taong iyon. Bigla tuloy ako na curious sino kaya ang taong iyon?



Ngunit higit sa lahat, ang hindi ko maintindihan ay ang malakas n apgkabog ng puso ko mula pa kagabi hanggang ngayon na bumabalik sa isipan ko iyon. Para akong kinakabahan na ewan. Hindi ko maintindihan! Urgh! Baka kulang lang talaga ako sa tulog!



Pinatangay ko sa agos ng tubig mula sa shower ang lahat ng bagay na gumugulo sa isip ko. Pagkaligo ay muli akong nahiga para sana matulog. Alas diyes pa naman ang pasok ko at maaga pa kaya pwede pa akong makahabol ng kaunting tulog. Ayokong pumasok na sabaw ang utak dahil baka wala naman akong matutunan. Nag set ako ng alarm para hindi ako malate sa klase ko.




Mukang effective naman ang naging tulog ko at naging maganda ang takbo ng mga klase ko nang hapon. Nakapakinig ako ng mabuti sa mga lectures ng prof ko at hindi ako nakadama ng antok at pagkabagot.




"Miryenda tayo?" Aya sa akin ni Athena nang matapos ang huli naming klase. Alas kwatro palang ng hapon.




Tumango ako bilang pagsang-ayon. Bumili kami ng pwedeng makakin sa main cafeteria ng University at nag tungo sa bleachers sa Oval field upang duon magpalipas ng oras.



Marami ang mga tao sa Oval ng University. May mga lower year ang nag papracticeng sayaw para siguro sa PE subject nila. Meron naman mga kagaya namin na nakatambay lamang sa bleachers at pinapanood ang mga estudynateng nag babad sa init ng araw sa gitna ng field.



"Ay saktong may activity pala ang mga gwapong engineering students ngayon!" Natutuwang sabi ni Athena habang tinuturo ang mga estudyanteng mga naka suot ng jacket sa gitna ng field.

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Where stories live. Discover now