Chapter 08

1.1K 53 1
                                    

Chapter 08

Take care


The night was awesome. Jasper and I talked about different things. Kakatwa na halos isang linggo na kaming nag-kakasama ay ngayon lamang kami nag kausap ng ganito. Hindi naman kasi kami nag uusap kapag magsabay kami sa kotse niya.



I've learned that he's from Los Angeles. Schoolmate pala kami noong Junior High, at nag-migrate ang kanilang buong pamilya sa LA alinsunod na rin daw sa kagustuhan ng kaniyang Lolo, pagkagraduate niya sa junior high.




"Why did you comeback here?"




I asked out of curiosity. Well, base na rin sa kwento niya ay maganda ang buhay nila sa LA, at maganda ang University na pinapasukan niya. Isa pa siya nalamang mag isa rito dahil naroon na ang buo niyang pamilya, ayon sa kaniya kaya nagtataka ako kung bakit pa siya bumalik.




He looked at me for a moment and then he shifted his gaze to the sky filled by stars.




"Well, uh, it's personal reason." Sagot niya. Bumuntong hininga siya. "Have you ever like someone?" He asked.



Napamulagat ako sa biglaang tanong niya. Hindi ko ine-expect na mapupunta sa ganitong topic ang usapan namin.




"No. Wala pa akong nagustuhan na sino man sa buong buhay ko." Natatawa kong sagot sa kaniya.




"Ah, well I do. I like someone for I think almost nine years now? Damn. It's been that long time..." natawa niyang sabi. Nagulat ako dahil sa tagal ng panahon na binanggit niya. Nine years? Posible ba iyon?




"Pero hindi niya alam na gusto ko siya. Bumalik ako para magpakilala." Bahagya pa akong nagulat sa pagtatagalog niya. Straight ang tagalog niya, pero andun pa rin ang American accent niya.



Humugot siya ng malalim na hininga.




"Woah. Kung sino man ang taong iyon, ay maswerte siya kung gayon, dahil masasabi kong tunay na gustong-gusto mo talaga siya para bumalik kapa rito kahit na mas maganda ang oportunidad na meron ka sa dati mong University." Sabi ko sa kaniya. Natawa lamang siya.




Hindi ko maiwasang isipin na lubhang maswerte ang taong nagu-gustuhan ni Jasper dahil ang taong nagkagusto sa kaniya ay kayang mag-take ng ganitong klase ng risk. Hindi lahat ng tao ay kayang sumugal lalo na sa larangan ng pag-ibig na sinasabi nila.

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Where stories live. Discover now