Chapter 23

825 46 6
                                    

[Chapter Soundtrack: Courage by: I belong to the zoo]

Chapter 23

Restless Soldier

Kyo Livarez



I smiled bitterly as I watch Ryu walk away. I felt a stingy liquid fell from eyes. I laughed bitterly because of my own stupidity. I love Ryu, more than best friends, but I don't have enough courage to tell him about my feelings.



Hindi sa nahihiya ako, kung hindi dahil natatakot ako sa maaring mangyari. Natatakot akong layuan niya ako sa oras na malaman niyang mahal ko siya higit pa nararapat.



Hindi ko naman sinasadya e, hindi ko naman ginusto ito. Bigla ko nalang naramdaman, at bago ko pa mapigilan huli na ang lahat dahil hulog na hulog na ako sa kaniya.



"Oy Ryu!" Tawag ko sa kaniya saka inabot yung hiniwa kong manasanas.



Kakatapos lang ng surgery niya kahapon at ngayon ay nagising na siya. Medyo iniinda niya pa ang paminsang-minsang pagkirot ng kaniyang tuhod na nainoperhan.



"Salamat! Hindi kapa umuuwi buhat kahapon?" Tanong niya. Tinulungan ko siyang makaupo sa kama.



Umiling ako. "Hindi pa. Sabi ko kina Mama ako muna magbabantay sayo. Pagaling kana dahil ayoko na matulog pa rito sa ospital!" Sabi ko sa kaniya na kaniya namang ikinalahakhak.



Ang ospital ang pinaka ayoko sa lahat ng lugar. Naalala ko ang mga kinukwento ng mga Tito ko na mga doctor at nagta-trabaho sa ospital na marami raw multo sa mga ganitong lugar.



Ngunit kahit na takot ako sa mga kwentong iyon ay hindi ko maatim na iwan si Ryu rito. Mabuti nalang ay kasama naming kagabi si Kuya Ryvee umuwi lamang siya para magpalit ng damit.



"Hindi mo naman ako kailangan kasi bantayan e! May nakita kabang multo?" Tanong niya na halata namang nang-aasar.



Sumimangot ako saka siya marahang kinurot sa ilong na parati kong ginagawa sa kaniya.



"Tumahimik ka 'dyan! Kumain kana nga lang!" Asik ko sa kaniya.



Nang mangyari sa kaniya ang aksidente sa basketball game namin ay labis ang naramdaman kong pag-aalala. Pakiramdam ko ay parang aalpas na sa loob ko ang puso ko dahil sa kaba.



Hindi ako umalis nang ospital buhat nang operahan siya dahil natatakot ako na baka hindi na siya gumusing pa o baka iwan na niya kami. Kung anu-anong bagay ang naiisip ko sa mga sandaling iyon.



Gusto kong manatili sa tabi niya hanggang sa magising siya. Gusto kong ako ang mag-alaga sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong umalis sa tabi niya.



Dahil sa nangyaring aksidente kay Ryu ay kinailangan niyang huminto muna sa pagpasok dahilan kung bakit nauna ako ng isang taon sa kaniya sa kolehiyo.



"Kapag nasa Manila kana, mamimiss mo itong bubong namin." Pabiro niyang turan habang nakaupo kami sa bubong ng kanilang bahay, huling gabi bago ako lumuwas ng Manila bukas para sa pagpasok ko sa kolehiyo.



Sumulyap ako sa kaniya. Nakatukod ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang likod habang nakatingala sa maliwanag na langit dahil sa mga bituwin at buwan.



"Ah, oo nga. Pero mas mamimiss kita."



Sadyang hininaan ko ang huling salitang binanggit ko. Ayokong maghinala si Ryu sa mga bagay na ikinikilos ko. Sumulyap siya sa akin saka ngumisi.



The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon