"Okay lang sa akin. P-Pero 'di nga? May Kahit Saan talaga na kainan dito?" parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Jessica.

Natatawa akong tumango. "Oo nga, Paris. 'Wag kang mag-alala, masarap naman doon sa Kahit Saan e."

"Sige, mukhang exciting ngang makakain sa Kahit Saan na 'yan." tapos tumawa rin siya. " Sa kotse ko na lang kayo sumakay tapos pagkatapos nating kumain, ihahatid ko kayo kung saan niyo p-in-ark 'yung kotse niyo."

Pumayag naman kami sa sinabi niya tapos lumabas na ng mall para sumakay sa kotse niya. Noong nakita ko siya nung hinarang niya ako sa daan, Benz ang kotse niya ngayon naman ay Fortuner. Rich kid ang isang 'to huh.

Napatingin siya sa akin nang mapansing iba ang tingin ko sa kose niya. "Uhh pinahiram lang sa akin 'to, kaibigan. Coding kasi 'yung sa akin e." tapos pilit siyang tumawa. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon pero pakiramdam ko sa kanya talaga ang kotseng 'to.

Pumasok na kami ni Jessica sa loob ng kotse. Tahimik lang kami habang nagmamaneho si Paris. Sinabi na rin kasi ni Jess 'yung way ng Kahit Saan. Habang nagda-drive siya, tumunog ang kanyang phone at in-on niya ang bluetooth at sinagot ito.

"Hello, Brook?... Oo e, may kasama ako." tapos pasimple siyang tumingin sa amin ni Jess sa may rear view mirror. "Si Sasha at saka si Jessica... Oo nga sabi e. Gago ka ba?... Pupunta kami sa Kahit Saan... Tangina mo, may ganoong kainan... Sa may bandang Kalayaan Ave... bahala ka, sige bye."

Nang matapos ang pag-uusap nila sa phone, binalingan kami ni Paris. "Ahm, okay lang ba kung makisabay sa ating kumain 'yung dalawa kong barkada? Si Brook at saka si Taeyang?"

Napatingin ako bigla kay Jess, kasi parang crush niya 'yung isa doon sa kaibigan ni Paris e. Nakita kong napakagat si Jess sa lower lip niya at kinikilig na tumingin sa akin. Crush niya kasi 'yung guy na mas singkit pa kesa kay Paris at medyo bulky 'yung katawan, parang naggy-gym.

"Sige! Sige! No problem, Paris! They can join. Ano nga ulit 'yung name nung isa?' sobra ang ningning ng mga mata ni Jessica habang nagtatanong kay Paris. Hay, kahit kailan talaga itong kaibigan ko.

"Si Brook? 'Yung parang astroboy 'yung hairstyle?" pag-verify ni Paris.

Umiling si Jess. "Hindi, 'yung cute 'yung eyesmile! Haaaaay!" at umakto naman siya na parang mahihimatay. Naku, pasensya na kayo sa kaibigan ko!

"Ahhh!" napa-snap si Paris. "Si Taeyang! Naku, bakla yata 'yun e. Wala kasing interes sa babae 'yun." tumawa siya pagkatapos.

Umismid si Jess na parang wala siyang paki sa sinabi ni Paris na bakla yata 'yung Taeyang. "Ah basta, kung bakla siya, eh di gagawin ko siyang straight na lalake!"

Napa-face palm na lang ako. Hay, Jessica Suzanne. Lukaret ka talaga.

x - - - - - - - - - - x

Kahit Saan Grill and Restaurant

Hindi kaagad kami kumaan pagdating naming tatlo sa table namin. Inantay pa kasi namin 'yung pagdating nung mga kaibigan ni Paris at ito namang si Jessica, hindi magkaugaga sa pag-aayos hay!

Sa ilang saglit, sabay na dumating 'yung mga kaibigan ni Paris. Hindi ko alam kung sino sa kanila 'yun Brook at Taeyang.

"Oy pare. Sa wakas." sabi ni Paris tapos nakipag-hand shake sa mga kaibigan niya. "Oo nga pala, ipakilala ko lang kayo sa isa't isa para walang ilangan. Girls, mga tropa ko. Si Brook at Taeyang."

Nagbow 'yung bawat isa at nakipag-kamay sa amin nang banggitin ni Paris ang mga pangalan nila, at ito naman si Jessica halos mangisay nang makipagkamay sa kanya si Taeyang. Confimed, crush na crush niya nga ito. Hay, ang kaibigan ko talaga!

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now