✰ Chapitre Dix: Like A Moonbeam

Magsimula sa umpisa
                                    

Dali-dali kong ipinasok sa loob ng damit ko ang suot kong necklace para walang makakita na nagliliwanag iyon. Pumunta na rin ako sa cashier para bayaran na lahat ng kinuha kong pagkain.

Pagkatapos nʼon ay kumaripas na ako ng takbo pabalik sa tinutuluyan naming dalawa ni Frankie. Medyo malapit lang naman 'yong convenience store mula sa Frozen Pines Motel kaya hindi ko na rin dinala ang lumang kotse ng ama ko papunta doon. Pagkabalik ko sa kwarto na kung saan kaming dalawa ni Frankie na pansamantalang tumuloy ay bahagya akong nataranta. Wala kasi siya.

"Frankie?!" Luminga-linga ako sa buong kwarto habang tinatawag ang pangalan niya pero walang sumasagot. Sinubukan ko siyang hanapin sa banyo. Binuksan ko ang pinto doon at laking gulat ko na nandoon si Frankie na ngayoʼy hanggang balikat na lang ang haba ng buhok niya, may hawak na gunting, at walang suot na kahit na anong damit.

"U-uh... W-Wesley..." pautal na sambit ni Frankie habang nakatulala siya sa akin. Ilang segundo naman akong nakatulala sa kanya, habang siya naman ay nanatili lang na nakaharap sa akin at nakahubad pa.

Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa, at mula sa paa ay bumalik ako sa ulo.

Nakaramdam ako ng sobrang init mula sa dalawang pisngi ko. Nanginig rin ang buong katawan ko at lumakas rin ang tibok ng puso ko na para bang lalabas na siya mula sa dibdib ko sa kahit na anong segundo.

"Putangina, Wesley! Isara mo na ʼyang pinto!" Para bang sinampal ako pabalik sa reyalidad sa narinig kong boses mula sa utak ko. Agad ko namang isinara ang pinto ng banyo.

Ilang beses kong minura nang pabulong sa sarili ko. Mukha bang isang kasalanan ʼyon na tiningnan ko si Frankie mula ulo hanggang paa at pabalik habang nakahubad pa siya?! Pamboboso na ba ʼyon?! Fucking hell, I didn't mean to do it!

Sinimulan ko na lang ihain lahat ng binili kong mga pagkain mula sa convenience store doon sa ibabaw ng dining table para mawala sa isipan ko kahit papano ang nakakahiyang pangyayari kanina. Pero habang tinatanggal ko sa isipan ko ang nangyaring 'yon ay mas naaalala ko pa ʼyon. Si Frankie na nakahubad. Oh, putanginang buhay ʼto.

I just place my right palm into my forehead and sighed deeply. Sheʼs making me insane—I mean, see?! Nawawala na naman ako sa huwisyo kahit wala naman siyang ginagawa na kung ano sa akin. Ilang beses ko nang sinasabi na halos kamukha nga niya si Louisa, pero—hindi ko na alam!

▬ • ★ • ▬

"You were right, Wesley. We need to help each other. You have always helped me since we met. And now, itʼs time for your Black-brained Frankieʼs turn to help you."

Para sa akin, masyadong malapit ang mukha ni Frankie sa mukha ko ngayon. Halos nararamdaman ko na kasi ang pagbuga niya ng hangin mula sa parehong bibig at ilong niya. Nakatulala naman ako sa kanya kasi putangina, hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. Tapos hawak-hawak pa niya ang mga kamay ko. Damn this shit.

Sinubukan ko namang may sabihin na kahit ano, pero agad na siyang tumayo at naglakad na papalapit doon sa dining table na kung saan nakahain na ang mga binili kong pagkain para sa aming dalawa. Umupo na siya sa isang upuan na nandoon, habang ako naman ay ilang segundong hindi nakagalaw mula dito sa kama na kinauupuan ko.

Medyo malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Nakatulala at wala rin masyado sa huwisyo. Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari doon sa banyo.

Isingit ko na rin ʼto. Pinipilit ko namang hindi tingnan si Frankie bilang si Louisa, at kahit na papaano ay nakakaya ko naman na. Pero sa tingin ko ay para bang iba nang usapan na yata ngayon. Hindi ako namumula at naiilang dahil katulad ng ng paulit-ulit kong sinasabi na halos kamukha nga niya ang ex-girlfriend ko. Nagkakaganʼon ako dahil sa isang bagay na hindi ko pa malaman kung ano. Well, may hula na ako, pero hindi pa talaga ako sigurado kung totoo ba ʼyon.

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon