Chapter Forty-Two

1.3K 102 149
                                    

"Samantha please pag-usapan naman muna natin 'to" sambit ni Jay habang nakasunod sa akin. Kinuha ko ang isang malaking bag at inilagay doon ang lahat ng damit ko. Wala ng tanggal tanggal sa hanger at wala na ring tiklop tiklop, basta isinalpak ko nalang iyon lahat sa bag.

Niyakap niya ako mula sa likod habang ako naman ay nagpupumilit pa rin at pumiglas sa kanya para makawala. "Jay bitawan mo nga ako!"

Masakit para sa akin na sa ganito kaming dalawa humantong. Buo ang tiwala ko sa kanya, pero nung nakita ko yung hitsura nilang dalawa kanina, pakiramdam ko nagsisisi ako na nagtiwala ako sakanya.

"Sam!" lumabas na ako sa walk in closet namin at nadatnan si Crystal na nagkukusot na ng mata habang nakabalot sakanya ang comforter namin ni Jay. Tangina.

"Hi, good morning anong nangyayari--ouch" napahawak siya sa ibaba niya na kaagad ko namang nagets. Tangina, so totoo nga?

"Putangina naman!" pareho kaming dalawa ni Crystal nagulat dahil sa sigaw ni Jay. Siya pa ngayon ang sisigaw?! Hindi ba dapat ako ang galit? Hindi ba dapat ako ang sumisigaw at nagwawala dito? Ako yung niloko anak ng tinola naman oh!

"Tell her Crystal! Tell Samantha na wala talagang nangyari sa ating dalawa... Na namisunderstood niya lang yung naki--"

"P-pero may nangyari J-jay..." napayuko si Crystal kaya napakuyom ang kamao ko. Ilan ba talagang babae ang gustong anakan ng hinayupak na 'to?! Tangina naman, huwag niyang sabihing pito ang gusto niyang anakan kasi gusto niya ng pitong anak susungalngalin ko talaga siya.

Masaya na ako eh, masaya na sana ako kasi akala ko gusto niya na akong makasama habang buhay pero bakit niya nagawa ito sa akin?! Paano niya nagawa sa akin 'to?! Bakit niya ako niloko?

Ang sakit lang kasi I trusted him. I trusted him, I gave him my heart pero bakit hindi niya iningatan?

"Tangina Crystal ano ba?! Wala akong natatandaan na may nangyari!" bulyaw nito kay Crystal. Sinampal naman siya nito kaya napahawak siya sa bahagi ng pisngi niya kung saan siya sinampal ni Crystal.

"Jay may nangyari! May natatandaan ka man o wala, merong nangyari sa ating dalawa!"

Napapikit ng mariin ang mata ko habang nakakuyom ang kamao. Nakakainis, umiinit ang pakiramdam ko at sobrang bigat rin ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko anytime makakapatay ako, pero huwag naman sana dahil ayaw kong maging kriminal at ayaw kong iwanan ang anak KO sa isang babaeng walang manners at sa tatay niyang manloloko.

Gusto kong ako ang kasama ng anak ko hanggang paglaki niya, I'll raise him well alone. Hindi ko kailangan ng sustento o ng pera ng tatay niyang gago.

Gagawan ko ng paraan para mabuhay kami ng anak ko, kahit kaming dalawa lang-- kahit walang tatayo bilang ama niya, as long as kasama ko ang anak ko kuntento na ako.

Paika-ikang lumabas si Crystal sa kwarto. Paglabas na paglabas nito ay kaagad kong hinampas kay Jay ang bag na hawak ko dahil sa nasaksihan ko. Sinusubukan niya pa talagang lusutan ito?! Sa tingin niya ba malulusutan niya 'to?! May nangyari sa kanila, pero hindi lang naman iyon ang ikinaiinis ko, paano kung may mabuo?! Tangina.

"S-sam..."

"Gago ka! Wala ka na pala talagang pag-asang magbago! Habang buhay ka ng babaero! Hindi ka marunong makuntento sa isa! Bwisit! Bwisit ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga!" hinampas ko ng paulit ulit ang dibdib niya dahil sa inis at galit na nararamdaman ko ngayon.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now