Chapter Two

2.2K 135 371
                                    

"Ako po."

Nanlaki ang mga mata ko at lumingon kay Heeseung na kasalukuyang nakaupo ng tuwid habang nakatingin kay mama at kay papa na seryoso lang din na nakatingin sakanya.

What the hell...

"Oh my god hijo! Totoo ba yan?!"

Syempre hindi.

Gusto ko sanang sumabat kaya lang kasi ayokong mabatukan ni mama at ayoko rin namang sirain ang kasiyahan nila. Kitang kita ko naman na masaya sila, syempre boto sila kay Heeseung eh.

Kaya nga lang, hanggang kaibigan nalang ang tingin ko sakanya.

Kung si Jay kaya ang dinala ko dito? Matutuwa kaya sila?

Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko nanagawa talaga ni Heeseung na akuin ang responsibilidad na dapat si Jongseong ang gumagawa.

"Kailan niyo pa tinatago ang relasyon ninyong dalawa saamin ha? Kayo talaga! Kunwari pa kayong mag-bestfriend lang pero heto at may nabuo na" masayang sambit ni Mama pero ramdam ko ang matalas na tingin saakin ni Herianne. Grabe pakiramdam ko pinapatay niya na ako sa isipan ko.

"No way. Hindi siya buntis! She's lying! Hindi siya bubuntisin ni Heeseung kasi they're just friends!" asik nito kaya kinurot ni Bluewindle ang singit niya.

Oo. Sa singit talaga. Letse.

"Shut the fvck up Hercury drugs. Just accept the fact na wala ka ng pag-asa kay Heeseung dahil taken na siya kay Samantha. Stop being a brat. Marami pang lalaki dyan. Gusto mo ireto kita?" tinaas baba pa ni Blue ang kilay niya pero inirapan lang siya ni Herianne.

Bratinela.

"Okay so nakapagpa-check up na ba kayo? Kamusta naman? Ano ng balak ninyo ngayong buntis na si Sam? Magpapakasal na ba kayo?" sunod sunod na tanong ni mom habang si dad naman ay nanatiling tahimik pero kalmado ang mukha.


"Heeseung hijo, sumunod ka saakin sa garden may pag-uusapan tayo"

Kinabahan ako ng sabihin iyon ni papa. Mukha talaga siyang seryoso at natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari.

Tumayo na silang dalawa at pumunta sa garden. Tatayo na sana ako para pumunta sa kwarto ko ng biglang hawakan ako ni mama sa pulsuhan.

"Anak...maupo ka muna nga" she said kaya wala akong nagawa kung hindi ang umupo ulit at tumingin lang sakanya na kasalukuyang nakangiti.

They're happy. Kita ko naman, alam kong mali 'tong gagawin ko pero wala akong magawa sa ngayon dahil wala talaga akong choice.

Gusto kong humingi ng tawad kay Heeseung dahil nadamay pa siya sa mga kagagahan ko. Imbis na tahimik ang buhay ng bestfriend ko, nagkakandaletse letse dahil sa mga katangahan ko.

Nabalik ako sa katinuan ng biglang tingnan nila mama sila Bluewindle at Herianne ng meaningful look.

"Okay aunt, I got you" Blue said bago hinila patayo si Herianne. Pumalag pa si Herianne pero wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod nalang sa ate niya dahil may binulong ito dito. Malamang, tinakot niya nanaman ito na susunugin niya ang album at merch ng stray kids ni Herianne.

Hay nako, kids.

Nang makaakyta na sila sa kanya kanya nilang kwarto ay biglang hinawakan ni mama ang mga kamay ko. Ngumiti siya ng malapad at ramdam na ramdam ko ang bigat sa pakiramdam ko kahit na nakikita kong masaya siya.

Masaya siya pero puro kasinungalingan lang ang lahat ng 'to. Letse ka kasi Park Jongseong. Isa kang malaking hangal.

"I'm happy for you anak" she said

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now