Chapter Fourteen

1.3K 123 289
                                    

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto namin ay nadatnan ko si Jay na nakaupo na sa gilid ng kama habang nagbabasa suot ang specs niya.


Pero punyeta hindi ba uso sakanya ang magsuot ng pang-itaas?!

"Excuse me lang ah? Pero hindi ba parang ang bastos naman kung ganyan ka lang kahit na may babae kang kasama dito sa kwarto?" nakapamewang na sabi ko sakanya bago umirap.

Nakakapaginit kasi ng ulo. Hindi man lag niya inisip na may kasama siya dito. At hello?! Ako yon?! Kasama niya ako dito, hindi siya nagiisa sa malaking kwarto na 'to kaya hindi siya pwedeng mag-ganyan nalang ng basta basta.

"So what? Kwarto ko 'to. Kung gusto mo, doon ka sa kaibigan mong pusa. Magsama kayo sa guest room. Tutal pareho naman kayong guest lang dito" sabi nito habang nagbabasa pa rin ng pocket book. Aba?! Hindi ko nagugustuhan ang tono ng pananalita nitong siraulong 'to ah?!

"So what ka dyan?! Huwag mo akong ma-so what, so what dyan kung ayaw mong what what-in ko yang mukha mo gamit yung walis tambo?!" masungit na sabi ko at padabog na ibinaba lahat ng bag ng pinamili ko kanina.

"Then do it. As if you can" matapang na smbit niya kaya napabitaw ako sa hawak kong bag at tiningnan siya ng hindi makapaniwala.

Grabe talaga itong si Jay, saksakan na ng tapang at palaki na rin ng palaki ang ulo.

"Do it as if you can" I mock him bago lumabas ng kwarto namin at dumiretso sa guest room kung saan nagsstay si Sunoo. Yakap ko ang dalawang malaking unan na kinuha ko sa kwarto namin ni Jay bago tuluyang lumabas.

Akala niya ha, oh ayan. May kama nga siya, wala naman siyang unan. At least kami dito ni Sunoo maraming unan.

Kumatok muna ako sa kwarto na pinagsstay-an ni Sunoo bago pinihit ang door knob para tuluyang makapasok. Pagpasok ko ay nagulat ako ng makita ko si Heeseung na nakaupo sa carpet habang si Sunoo naman ay nanonood ng movie sa flatscreen tv na nandito sa guest room.

Sabay silang napatingin saakin habang ako naman ay gulat na gulat pa rin habang nakatingin sakanilang dalawa. Akala ko ba ay hindi makakapunta si Heeseung dahil hindi na siya tinext ni Sunoo?

"Hi Manteng, namiss kita" tumayo si Heeseung mula sa pagkakaupo at inilang hakbang ang pagitan naming dalawa bago ako niyakap ng mahigpit. Sa sobrang pagkagulat ko sakanya ay niyakap ko nalang din siya pabalik.

Namiss ko talaga si Heeseung. Mahigit tatlong araw rin siyang hindi nagtext man lang saakin o nagreply. Sa tuwing tinatawagan ko siya noon ay hindi niya naman sinasagot dahil palaging busy.

"Namiss kita Hee"

Napabitaw kaming dalawa dahil nakarinig kami ng pagtikhim ng isang tao sa may pintuan. Nakasandal ito habang hawak ang isang tray na naglalaman ng macaroni at iba't ibang supot ng chips. May isang pitsel din ng juice at dalawang baso.

"Oh, Sunghoon! Pakilapag nalang dyan hihi, salamat" napailing nalang ako kay Sunoo. Grabe talaga itong batang 'to. Parang hindi marunong mahiya eh. Grabe, ginawa pang utusan si Sunghoon.

Umupo nalang ako sa couch at kaagad naman akong tinabihan ni Heeseung. Si Sunghoon naman ay umupo na sa kama kung nasaan si Sunoo at nagsimula na silang manood.

Ay kaya pala, close kaagad sila?

"Anong oras ka dumating? Akala ko hindi ka tinext ni Sunoo?" nagtatakang tanong ko sakanya. Nagkibit balikat lamang siya bago ngumiti.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now