Chapter Thirty-Eight

1.5K 115 262
                                    

Matapos naming kumain ng almusal nina Jay kanina ay pinatulog na naming muli si baby Sean pero bago iyon ay nilinisan muna namin ito at pinalitan ng diaper at damit para hindi ito mainitan at para kumportable din ito sa pagtulog.

Napagdesisyunan naming tumambay muna dito sa garden at nagkwentuhan ng mga bagay na hindi namin madalaw na napag-uusapan. Pero ang totoo niyan, si jungwon at sunghoon lang ang maraming kwento dahil kaming dalawa ni Jay ay tahimik lang na nakikinig sakanila, tatawa lamang kami kapag may nakakatawa silang sinabi o nakwento.

"Ay noona, alam mo ba nung bata pa yan si Jay hyung, chick magnet yan pero tinatanggihan niya lahat"

Napatango naman ko dahil sa sinabi ni Jungwon. Hindi naman kapani-paniwala pero since si Jungwon siya, pipilitin kong maniwala.

"Shut up Jungwon--"

"But I'm telling the truth! Bakit kasi baliktad utak mo, kung kailang tumanda ka at nasa tamang pagiisip tsaka ka naging babaero--aray!" napadaing sa sakit si Jungwon dahil binato siya ni Jay ng cellphone niya.

"Hoy ang mahal niyan!" saway ni Sunghoon pero inirapan lang sila ni Jay bago tumayo.

"I'll get you some drinks. Ano gusto mo?" tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa gawi niya. He's patiently waiting for my answer habang nakatingin sa akin.

Bigla ko nanamang naalala yung tungkol sa proposal niya.

"Orange juice nalang, thanks"

Iniwan niya na kaming tatlo para makakuha ng inumin namin habang sina Jungwon at Sunghoon naman ay walang tigil sa pagkkwentuhan tungkol sa mga nangyari noong mga bata pa sila.

"Miss Samantha, may bisita po kayo" biglang sulpot ng katulong nila Jay kaya napatayo ako at hinarap ito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Heeseung na nakasuot ng puting polo na nakatupi ang manggas hanggang sa siko at nakasuot ng salamin. He spread his arms wide, waiting for me to hug him.

"Namiss kita" sambit ko habang nakayakap ng mahigpit sa polo niya. Hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod ng tainga ko bago hagurin ang likod ko na parang pinapatahan ako sa pagiyak.

"Namiss din naman kita, medyo naging busy lang ako para sa exam. Ang hirap pala mag-abugado, pero since pangarap nating dalawa syempre pipilitin kong tapusin" hinalikan niya ang ulo ko at muli akong niyakap ng mahigpit.

Kumawala ako mula sa pagkakayakap naming dalawa at hinila siya paupo sa isa pang upuan, nagtataka pa nga ako dahil paglingon ko ay wala na sina Jungwon at Sunghoon na kanina'y nagkukuwentuhan dito--baka umalis na para bigyan kami ng privacy para makapagusap since matagal tagal rin kaming hindi nakapag-usap nitong si Heeseung.

Magbibigay ba talaga ng privacy o magrereport kay Jay para buwisitin ang araw naming dalawa?

"Kamusta ka na?" tanong nito at sumandal sa upuan niya. Napangiti lang ako sakanya at hinawakan ang tyan ko.

"Ito, lumabas na si baby. Ang tagal mo kasing nawala eh, tuloy hindi mo nakita yung mga moves na ginawa niya nung nilabas ko siya! Ikaw kaya ang coach ng anak ko!" natatawang sambit ko bago pinunasan ang luha ko.

Hindi ko talaga maiwasang hindi maging emosyonal lalo na at ilang buwan ko ring hindi nakita si Heesueng at hindi ko rin siya nakausap ng personal--si sunny naman mahigit tatlong buwan na rin simula noong dumalaw siya, wala na rin akong balita sakanya.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now