Prologue

6.5K 185 966
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This work also contains profane or vulgar words that may appear offensive to some readers. Reader discretion is advised.

No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any forms or in any means without proper credit or prior consent of the author. Please do not plagiarize.

The author does not claim ownership of the media included in this story. All credits belong to their rightful owners.

────────

Date Started: March 1, 2021
Date Ended: May 20, 2021

──────────── ・ᴗ・

Nanginginig ako habang hawak ang pt na ibibigay ko at ipapakita ko sakanya mamaya kapag nagkita kami. Hindi ko lubos akalain na mangyayari to saakin, masaya ako dahil siya ang ama pero natatakot ako.

Natatakot ako dahil baka hindi ako matanggap ng pamilya ko dahil sa kagaguhan na nagawa ko. Ako nalang ang inaasahan nila, hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sakanila once na malaman nilang nabuntis ako lalo na at umaasa sila na hindi ako gagaya sa ate ko.

Pero hindi lang naman iyon ang ikinatatakot ko eh, I'm afraid na baka maging isa akong kahigiyan ng ngkan namin lalo na at galing ako sa isang lisensyadong pamilya ng mga abogado. Ano nanaman ang sasabihin ng mga lolo at lola ko saakin? Ng mom at dad ko? Ng mga pinsan kong bida bida? At lalong lalo na ng ate ko...

Wala akong galit sa ate ko, infact siya nga lang ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Pero kasi, nangako ako sakanya na hindi ako gagaya sakanya... Na hindi ako mabubuntis ng maaga.... Pero dahil sa pagmamahal ko at sa letseng karupukan ko para kay Jay... Wala na...

Ito ako, si tanga. Nagpabuntis ng maaga.

Samantha Christine Buenvia punyeta ang rupok rupok mo kasi. Masyado kang nagpadala sa mga nararamdaman mo. Ayan, may aalagaan ka na tuloy sa loob ng tyan mo sa loob ng siyam na buwan.

"Gaga ka loka loka, ano nang sasabihin nila tito at tita kapag nalaman nila to?!" mahina akong binatukan ni Heeseung sa ulo. Tangina nito. Kaibigan ko ba talaga 'to?!

"Ih, sasabihin ko pa nga muna sa tatay ng anak ko bago kay mama..." pagdadahilan ko sakanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Totoo naman eh, kapag sinama ko ang lalaking nakabuntis saakin, sigurado ako na hindi magagalit si mama dahil alam niya na pananagutan ako nito at magkakaroon kami ng maganda kinabukasan ng mga magiging anak namin dahil nga may makakatuwang ako sa buhay.

Pero tangina, wait-sinabi ko bang mga?!

Grabe isa palang 'to bakit parang gusto ko pa atang sundan?! Punyeta Samantha tigil tigilan mo ang kaharutan mo! Maghunis dili ka!

"Alam mo sigurado naman akong walang bobo sa pamilya niyo dahil galing ka sa pamilya ng lisensyadong abogado.. Pero tangina saan ka ba nagmana ng kabobohan pagdating sa pag-ibig?" napamura siya dahil sa sinabi ko kya napayuko nalang ako.

"Alam mo Manteng kung ako sayo magreready na ako ng isang truck ng tissue, knowing that asshole father of your child, panigurado hindi niya paninindigan yan" he said kaya binato ko siya ng throwpillow.

Letse.

"Alam mo ang nega mo? Imbis na maging masaya ka nalang para saakin nagiging basher ka pa ng buhay ko at ng magiging anak namin. Letse ka" asik ko sakanya pero binato niya lang pabalik saakin ang unan na binato ko sakanya.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Onde histórias criam vida. Descubra agora