Chapter Nine

1.6K 116 263
                                    

"What? No! Sabi ko lang ay aalagaan ko siya hanggang sa lumabas ang anak namin, pero hindi ko siya pakakasalan!" sigaw ni jay sa mama niya pagkatapos ay tinuro pa ako.

Ibang klase talaga itong lalaking 'to. Kahit kailan walang paninindigan. Walang kwenta! Ang gwapo nga, mayaman at hinahabol ng mga babae, pero yung ugali? Huwag nalang nating pagusapan baka masuka pa kayo.

"Are you out of your mind Park fvcking Jongseong?! Binuntis buntis mo tapos ayaw mong pakasalan?! Anong mangyayari sa apo namin ha?!" inis na sambit ng tatay niya na halatang nagpipigil na sapakin ang anak niyang kasalukuyang masama ang tingin saakin.

"I can give her a house? Ipaagamit ko ang apilyido ko sa anak ko okay?! Pero hinding hindi ako papayag na pakasalan ang babaeng yan! Ang anak ko lang ang importante, labas na siya doon!" sigaw pa nito.

Lahat kami ay nagulat ng biglang kwelyuhan ni Mr. Park ang anak niya. "Fvck hindi ko alam kung anong pagkukulang namin sa pagpapalaki sayo ag lumaki kang gago!" sigaw nito. Sjnubukan namang awatin nila Mrs. Park, Jungwon at Sunghoon si Mr. Park na nanggagalaiti sa galit. Pulang pula ang mukha nito at halatang galit na galit na nga sa anak niya. Pero si Jay? Wala man lang halong takot sa mukha niya.

"I'm so disappointed jongseong" lumabas na si Mr. Park sa kwarto ni jay na sinundan ni Mrs. Park. Paglabas nila ay kaming apat nalang ang natira dito sa loob. Tahimik lang kami dahil sapagkabigla sa ginawa ni Mr. Park, hindi ko lubos akalain na matindi pala siya kung magalit. Pero kung ako ang tatanungin? Deserve naman talaga ni Jay iyon dahil wala siyang kwenta.

"Are you happy now?" halatang inis na sabi ni Jay saakin. Masamang tingin lang ang ipinukol ko sakanya bago siya irapan. Aba, sino bang sasaya kung ganon ang masasaksihan? Stress na nga ako sa mga nangyayari, dadagdag pa 'tong saltik ni Jay.

"Bakit naman ako magiging masaya?" asik ko sakanya. He laugh sarcastically before glaring at me. "Really? So you're playing innocent now? Ang pagkakaalam ko kasi, pumapalakpak ang tainga mo ngayon because my parents are forcing me to marry you because you're carrying my child"

Napairap ako dahil sa sinabi niya. Napakataas ng self confidence ng isang 'to, wala namang paninindigan. Matatanggap ko pa kung sasabihin niya na 'masaya akong nahihirapan siya dahil deserve niya yun' at hindi dahil sa ipapakasal ako sakanya. Nakakaimbyerna.

"Alam mo kasi Jay, masaya magpakasal. Pero kung sayo ako magpapakasal, baka masakal lang kita hindi pa nagsisimula ang wedding ceremony" inirapan ko siya. Aba, masyado niyang tinetest ang pasensya ko ah. Sumosobra na kasi siya. Masyado ng lumalaki ang ulo niya dahil sa yaman na meron siya.

"Tsk. I know you like me, kaya ka nga nagpabuntis diba?"

"Binuntis mo naman" asik ko sakanya kaya hindi na siya nakapagsalita pa at umirap nalang. Rinig na rinig ko pa ang pagdadabog niya kaya napatingin ako kay Sunghoon at Jungwon na tumatawa habang nakatingin kay Jay na parang batang nagmamaktol.

Ayan, pahiya ka tuloy.

"Tch, uwi muna ako. Baka magdilim paningin ko kapag nagstay pa ako dito" pagpaparinig ko at kinuha ang bag ko.

"Hatid na kita-"

"Huwag mo ng ihatid yan sa bahay nila, she can handle herself. Malaki na siya, at isa pa, wala namang magtatangkang manakit dyan dahil mukhang mas malakas pa yan sa lalaki" pagpaparinig ni Jay ng marinig niya si Sunghoon na nagaalok saakin na ihatid ako pauwi.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now