Chapter Forty-One

1.4K 102 226
                                    

"Seryoso ba yan? Tangina bakit nandito yung dalawang yun? Nag-aadik na ba sila tito at tita? Alam nila kung gaano nasaktan si Jay hyung dahil kay Minhee at alam din nila na si Crystal ang dahilan kung bakit muntik ng malaglag si baby Sean tapos patutuluyin nila?" iritadong sambit ni Jungwon bago umirap. Si Sunghoon naman ay tahimik lang sa isang tabi na para bang ang lalim ng iniisip habang kaming dalawa naman ni Jay ay tahimik lang din at iniisip ang tungkol kay Crystal.

Bumalik nga ang loka loka, pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? hindi lang sakanya kung hindi pati kay Minhee. Siguro naman hindi sila gagawa ng kalokohan ano? Normal lang siguro ang kabahan pero kasi hindi lang ako kinakabahan para sa sarili ko, kinakabahan din ako para sa anak ko. Knowing Crystal, alam kong kaya niyang manakit ng ibang tao makuha lang ang gusto niya--kaya niya nga ako tinulak noon hindi ba?

"Let's just don't worry about them. Don't stress ourselves para sa mga taong wala namang kwenta at isa pa, marami naman tayong magagawa at kailangan lang natin mag-ingat" sambit ni Jay. Nanatili lang kaming tahimik dito sa nursery room ni baby Sean dahil nakakawalang gana na rin ang maglibot sa mansyon, ikaw ba naman makakita ng tulingan edi uyam na uyam ka na diba?

"Ikaw Jay hyung kapag talaga nagloko ka kay noona makikita mo ang hinahanap mo" napairap naman ako dahil sa sinabi ni Jungwon. Pinaalala niya pa talaga ang kalandian ni Jay at Crystal noon, mas lalo tuloy nag-init ang ulo ko. Nakakaimbyerna na talaga.

"Sige subukan niya talaga ipapalunok ko sakanya 'tong singsing" iritadong smbit ko bago inirapan si Jay. He just glared at Jungwon bago ito marahang sinanggi sa tyan. "Ikaw kasi eh, pinaalala mo pa"

Tinawanan lang siya ni Jungwon bago bumelat. "Deserve"

Binalot muli kaming tatlo ng katahimikan. Hindi talaga ako sanay ng ganito kami, usually kasi nagdadaldalan lang kami at puro lang kami kalokohan kapag magkakasama pero iba ngayon, Sa tingin ko kaya kami ganito dahil dun sa dalawa na kakarating lang.

Napalingon kaming tatlo sa pintuan nang marinig namin na may kumatok dito, tumayo nalang ako bago ito puntahan at buksan ang pinto. Pagbukas na pabukas ko palang ng pintuan ay bumungad na sa akin ang tulingan na naliga sa lupa kaya napasimangot ako.

"Hi, kakain na daw tita said join us na daw"

Tita huh? Mama naman tawag ko letse feel na feel mo pa supalpalin kita ng tsinelas eh.

"Ah, anong ulam? Tulingan ba? Bakit di ka sinahog?" pambabara ko sakanya kaya napataas ang kilay niya sa akin. Magsasalita na sana ito pero biglang nagsalita si Sunghoon.

"Bakit naman isasahog sa ulam yang babaeng yan? Edi na-food poison pa tayo" palihim kaming napatawa dahil sa reaksyon ni Crystal na akala mo ay aping api na. Miski si Jay ay palihim ring tumatawa mula sa likuran at kahit pa pigilan o itago niya ito ay halata na ito because his shoulder was shaking.

"What the hell? Ano bang ginawa ko sa inyong apat ha? Bakit ang sama sama ng ugali niyo sa akin?" sambit nito na parang nag-papaawa. Jusko, hindi nakakaawa, nakakasuka.

Lumapit naman si Jay at pumagitna sa aming dalawa. Hinila ko ang laylayan ng damit niya kaya napalingon siya sa akin, ngitian niya lang ako bago muli hinarap si Crystal.

"Remember what you did to my fiance and son? Sabi ko naman sa'yo na huag ka ng bumalik dito dahil sinisigurado ko na your life will be miserable."

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now