Chapter Twenty-Eight

1.5K 123 312
                                    

Tinulak ko papalayo si Jay sa akin at napahilamos ng kusa sa mukha ko dahil sa ginawa niya. Niloloko niya ata ako, halos kanina lang ang lungkot lungkot niya tapos umiiyak pa siya na parang walang pake na ako yung kausap niya para mag-open up siya about sa past niya then now he's acting like a possesive husband? Na parang ipinagdadamot niya ako kahit sa sarili kong kaibigan?

Akala ko ba mahal niya pa? Punyeta ang gulo!

"W-why?" iritado kong ginulo ang buhok ko bago siya tinaliluran. Hindi ko na rin muna siguro siya kakausapin ngayon dahil alam ko na wala rin siya sa sarili katinuan. Lasing kasi ang loko eh.

"What's the problem? Why are you avoiding me?" he kept on asking me while following me kahit saan man ako pumunta,kahit ata pumunta ako sa kasulok-sulukan ng malaking kwarto na 'to susundan niya ako. Hindi niya ba napapansin na ako na mismo ang umiiwas para hindi na siga maiwasan?

"Hey--"

"Wala. Walang problema" sagot ko sakanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Pumunta ako sa walk in closet at pumili ng pajama na susuotin ko ngayong gabi. Ramdam ko naman ang presensya niya habang naghahanap ako ng damit.

Bigla niya akong niyakap mula sa likod kaya natigilan ako sa pagluha ng damit. Ano nanaman bang trip ng isang 'to?

"Jay tantanan mo ako pagod ako okay?" iritadong sambit ko sakanya bago tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Nakita ko naman na nabalot ng pagtataka ang mukha niya na tila ba wala talagang alam kung anong nangyayari.

Ayan,maglasing ka pa.

"Did I do something wrong?" tanong nito

Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy nalang sa pagaayos ko ng gamit. Kinuha niya naman ang damit na hawak ko at ibinato sa likuran kaya iritado ko siyang tiningnan. Ang lakas naman ng loob niya na gawin iyon?

"Ano ba? Bakit ba ang kulit mo? Layuan mo nga muna ako Jay! Amoy alak ka!" inirapan ko siya bago nilagpasan pero hinawakan niya lang ako sa braso bago iniharap muli sa kaniya.

"Ah.. I see. You don't want to talk to me kasi nakausap mo na si Heeseung? Ano ng balak niyo? Are you planning to take my baby away from me and si Heeseung naman ang tatayong ama ng batang yan?" hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na mas kikitid pala ang utak nito kapag lasing.

Makitid na nga utak kapag hindi lasing, mas lalo namang kumitid nung nalasing.

Ang bobo mo, letse ka.

"I already told you Samantha, madamot ako at wala sa bukabularyo ko ang mag-share. Ang saakin ay saakin lang" he said

Napairap akong muli sakanya bago binawi ang braso ko. Ang kitid ng utak, hindi niya naman ako pagmamay-ari. Bakit ganyan siya?

"Alam mo Jay, letse ka. Sinabi ko na ngang walang problema hindi ba? Bakit ba ang kulit kulit mo ha?" iritadong sambit ko at padabog na kinuha ang damit na binato niya.

Mas lalo tuloy akong ginanahan maligo para mabawasan naman itong init ng ulo ko dahil sa ulupong na yon. Pagpasok ko ng banyo ay tiningnan ko kaagad ang repleksyon ko sa salamin. Binasa ko ng tubig ang mukha ko para mahimasmasan ng kaunti bago muling tumingin sa salamin.

"What's happening to you, Samantha? Hindi mo naman dapat ito nararamdaman. You have no rights to be jealous dahil ina ka lang ng batang dinadala niya at hindi ikaw ang mahal niya."

Matapos kong mag-shower ay dumiretso na ako kaagad sa kama at tsaka humiga. Hindi ko na rin nadatnan si Jay, baka sa ibang kwarto diya matutulog ngayon dahil lasing siya. Tama na rin siguro iyon, para mas makapag-isip isip din ako at para mas malinawan na rin ako sa lahat ng nangyayari. Pinatay ko na ang lampshade sa side ko bago nagkumot at ipinikit ang mga mata. Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan na ang ibig sabihin ay may pumasok na tao sa loob ng kwarto namin.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now