Chapter Sixteen

1.4K 109 188
                                    

Simula nung nag-away kami ni jay ay hindi na kami ulit nagkibuan. Pabor pa nga iyon sa akin dahil walang Jay ang mambbuwisit saakin.

Sa guest room ako nagsstay ngayon dahil sa away namin ni Jay. Hanggang ngayon naiimbyerna pa rin ako--sakanya at sa sarili ko. Ang tanga tanga ko rin kasi, ewan ko ba, nabuntis lang ako naging makapal na ang mukha ko.

Inaway ko pa siya sa pamamahay nila. Pero hindi naman ako ang nagsimula hindi ba? Nananahimik kami dito tapos bigla siyang susulpot para mambuwisit.

"Lalim ng iniisip natin ah? Hukayin na ba yan?" tanong ni Sunoo habang bangsusuklay ng buhok niya. Kakagaling niya lang kas sa shower at ngayon ay si Heeseung naman ang sumunod sakanya. Mabuti nalang at may restroom dito sa guest room.

"Gusto mo mukha mo ang hukayin ko Sunoo?" inis na sambit ko sakanya bago ipinakita ang kamao ko. Tinawanan niya lang ako bago inakbayan.

"Hindi ka naman mabiro eh. Joke lang yun syempre, alam mo namang palabiro ako eh. Walang damayan ng mukha" takot na sabi nito.

Inayos ko ang kama na tutulugan naming tatlo at ibinato ang isang unan sa couch. Masyado atang naparami ang unan at baka hindi kami magkasyang tatlo.

Hindi naman masamang magtabi kaming tatlo diba? Magkaibigan lang naman kami.

Hay nako Samantha! Huwag mo na nga kasing pagiisipin yung sinabi ni Jay! Malisyoso lang talaga siya kaya ganun! Hindi dapat sineseryoso ang ganong bagay.

"Tapos na ako mag-shower. Tulog na ba tayo?" tanong ni Heeseung habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang maliit na towel.

Umupo siya sa couch bago inayos ang unan na binato ko doon. Ano bang ginagawa niya?

"Dito ka na matulog hoy. Tabi tabi tayong tatlo" sabi ko sakanya at bahagyang tinapik ang space sa gilid ko bago siniksik si Sunoo sa isang gilid.

Ngumiti naman siya saakin bago umiling. "Huwag na, ayos na ako dito. Kayong dalawa nalang ni Sunoo dyan, baka masyado ng masikip at maipit pa si baby"

Wala naman akong nagawa kung hindi bumalik sa dati kong pwesto. Sabagay, may point naman siya. Mahirap na, baka maipit si baby eh.

Kinuha ko na ang unan sa ulunan ko at niyakap iyon. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Sunoo mula sa likod. Ang cilngy nanaman nitong pusang 'to. Matagal tagal din kasi kaming gindi nakapag-sleep over sa bahay nila kaya siguro ganito to.

"Sunoo, baka maipit si baby ha" pagpapaalala ni Heeseung bago ipinikit ang mga nata niya kaya napangiti ako. Iba talaga kapag ikaw lang ang nagiisang babae sa tropa.

Hindi ko naman maiwasang magisip ng kung ano na ang ssunod na mangyayari lalo na ngayon at mukhang galit na galit si Jay sa akin. Tanggap ko naman na ayaw niya sa akin eh, pero bakit hindi niya man lang magawang tratuhin ako ng maayos kahit ngayon lang habang hindi pa lumalabas ang baby naming dalawa.

Hay nako, ewan. Bahala na nga si batman. Basta hindi ako magsosorry.

Paggising ko ay nadatnan ko si Heeseung at Sunoo na nagsisipilyo ng ngipin habang inaayos ang mga gamit nila. Bakit may dala na silang gamit? Wala naman silang dala kahapon ah? Ang alam ko pinahiram lang sila ni Jungwon at Sunghoon ng damit kaya bakit may bag na sila?

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now