Chapter 20

580 18 1
                                    


Jake POV

Halo-halo ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko parang gusto ko ng suntukin ang sarili ko kung sakaling panaginip lang ito. Gusto kong kainin ako ng lupa upang mataohan ako.

Wala akong naririnig na ingay kundi ang hikbi at hagulgul ni Nafia sa harap ko. Naka-upo siya ngayon sa sahig habang paulit-ulit binibigkas ang salitang "I'm sorry,"

"Totoo ba?!" Malamig kong tanong habang hindi siya tiningnan.

"Jake," dahan-dahan siyang tumayo at humarap sakin.

"Totoo ba?!" Unti-unting tumaas ang boses ko.

"Magpapali-"

"TOTOO BA?!" Sigaw ko dahil sa hindi ko na kinaya pang pigilan ang galit. Kahit inamin na niya sakin ay gusto ko paring tanongin kung totoo ba ang sinabi ni Mike.

Tumango si Nafia dahilan upang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinigilan.

"Bakit? NAFIA BAKIT?!" Sigaw ko.

"Kasi mahal kita!" Gumaralgal ang boses niya nang sinigaw iyun.

Umiwas ako ng tingin sakanya at pilit pakalmahin ang sarili kahit pakiramdam ko ay gusto ko nang manuntok. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya sakin ito.

Masasabi ko sa sarili ko na isa na akong tangang tao dahil sa tinatagal naming pagsasama ni Nafia ay ngayon ko lang nalaman ito. Pota! Kung sa bagay, mahirap malaman ang katotohanan kung nakabaon naman sa hukay ang kasinungalingan.

"Ha! Mahal mo 'ko?" Tumango siya. "Potang*na! Saang parte doon ang masasabi mong mahal mo 'ko?! Ang panagutan ang batang hindi akin? Tsk! Nafia, boung buhay ko.. natutuwa ako dahil magkakaroon na ako ng sarili kong pamilya! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya no'ng dumating sa buhay ko si Ford! Pakiramdam ko, ako ang pinaka-swerteng tao sa mundo dahil dumating na ang matagal ko ng hinihintay!"

"Pero pota lang dahil sa kabaliktaran ng nangyayari, ginamit mo lang pala ako! Dahil ano? Dahil mayaman ako?! Dahil may kaya akong alagaan at bigyan ng magandang buhay si Ford?! Ganun ba, Nafia? GANUN BA?!" Dagdag ko.

Halos omeecho ang boses ko dahil sa kakasigaw ko sakanya. Patuloy parin ako sa paghagulgul habang binitawan ang mga salitang iyun.

"Jake, m-maniwala ka sakin.. m-minahal k-kita." Iyak niyang saad.

Inis kong bumuga ng hangin dahil sa sinabi niya. "Kaya ba ako ang ginamit mo para panagutan si Ford, dahil mahal mo 'ko?! Napaka-selfish mo naman!"

"J-Jake," agad akong umatras nang sinubukan niya akong hawakan dahil upang umiyak siya ng tudo.

Aaminin kong nasasaktan parin ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak dahil minahal din ko si Nafia na higit pa sa buhay ko. Pero wala ng mas hihigit pa sa nararamdaman ko dahil sobrang sakit. Hindi ko akalain na magagawa niya sakin ito.

Bahay, gastusin, pera, lahat! Binigay ko lahat para sakanya, sakanila ni Ford. Tapos ito lang pala ang isusukli niya sakin? Ano bang kulang sa ginawa ko at ito ang igaganti niya sakin?

"Minahal kita, Naf. M-Minahal kita higit pa sa buhay ko. Kahit hindi boto ang pamilya ko sayo ay ikaw parin ang pinili ko.. kasi mahal kita." Hindi parin tumigil sa pag-agos ang luha ko. "Minahal mo ba talaga ako O minahal mo lang ako dahil ginamit mo 'ko?"

Wala akong narinig na sagot mula sakanya dahil umiyak siya ng tudo. Nakatakip ang dalawang palad niya sa mukha habang umiiyak. Hindi ko rin mapagilang maging emotional dahil sa sakit na nararamdaman ko.

My Ex-boyfriend Is Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now