Chapter 15

555 11 1
                                    

Jillian POV

Nang makapasok na ako sa loob ay agad akong nagtungo sa sala at umupo sa couch. Nahagip sa attention ko si Ford na naglalaro ng video game habang salubong ang mga kilay. Kunot noo ko syang tiningnan sa mata, ilong, bibig, pisngi.. wala talaga.

"Ate," tawag ni Welly sakin dahilan upang lumingon ako sakanya at umupo naman sya sa tabi ko. "Bati na kayo ni ate Nafia?"

Kitang kita ko ang kislap sa kanyang mga mata at tuwang ngiti sakanyang bibig. Palagi na nyang hininga sakin na sana magkabati kami ni Nafia. Sadyang hindi ko lang talaga mapigilan ang galit ko sakanya.

"Hindi pa," Kalmado kong sabi at sabay iwas ng tingin. Tumingin ulit ako sakanya at unti-unting nawala ang ngiti nya.

"B-Bakit? Magbati na kayo, please.." pagmamakaawa nya sakin. Bigla naman syang nalungkot at dinikit ang dalawa nyang palad animoy parang nagdadasal. "Please..ate please,"

Bumuntong hininga naman ako bago nag-salita. "Okay, susubukan ko. Pero.. ipagdasal mo din na sana magkabati pa kami."

'Yung ngiti naman nya ay napalitan ng lungkot. Ewan ko ba kung bakit hindi ko kayang patawarin si Nafia. May parte sakin na tanggapin nalang sya pero.. bakit parang may pumigil sakin?

Si Lola, parang iba na rin ang trato sakanya kay Nafia mukhang kunti nalang, tatanggapin na nya ito. Pero ako... Bakit hindi ko kaya? Limang taon narin kasi naging parte sa pamilya namin si Nafia. 'Di ba, dapat tanggapin ko na sya? Wala na siguro akong magagawa dahil mahal sya ni Jake.

Ewan ko ba! Parang hindi ko pa 'ata kayang tanggapin si Nafia ngayon. Hayaan ko muna ang nararamdaman ko para sakanya, baka sakaling mag-sawa ang galit ko, matatanggap ko na sya.

"Lola!"

Awtomatiko akong tumayo dahil biglang sumigaw si Welly na ngayon ay nasa labas. Dali dali akong lumabas at nadatnan ko si Welly na mukhang natutuwa pa ang pagdating nito.. akala ko kung ano na ang nangyari.

"Bakit, anong nangyari?"

Lumingon ako kay Mommy na ngayon ay aligagang naglalakad kasama si Jake. Mukhang nag -alala din. Tumabi sya sakin at sinilip yung dalawa sa labas na ngayon ay masayang nag-uusap.

Lumingon ako kina Lola at Welly at muling lumingon kay Mommy na ngayon ay nakahinga ng maluwag. Lumingon ito sakin at ngumiti. "Akala ko kung ano ang nangyari," sabi nya at umiling.

Tinalikuran nya ako at nag-tungo ulit sa kitchen kaya kaming dalawa nalang ni Jake ang naiwan dito sa tapat ng pinto.

Lumingon ito sakin. "Bati na ba kayo?" Cold nyang tanong. Hindi na ako nag-abalang tanongin sya kung ano ang ibig nyang sabihin dahil alam ko kung sino ang tinutukoy nya.

"Ewan," tipid kung sagot at umiwas ng tingin sakanya. Naging matunog ang buntong hininga nya at para bang babagsak na ang mundo nya.

"'Te, hanggang kailan mo ba siya tatanggapin?"

"Hanggang sa huhupa ang galit ko sakanya."

"Pesteng galit 'yan!" sermun nya sakin. "Gaano ba kalaki 'yan at ang tagal humupa?! Ganon ba talaga ka big deal sayo 'yun?" hindi naman ako nakasagot. "5 years.. 5 years na ang nakalipas, ganyan pa rin ang trato mo sakanya?"

"Wala ka kasi sa posisyon ko kaya mo na sabi lahat 'yan. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko simula no'ng pumasok si Nafia sa buhay mo! Hindi ko alam kung bakit ganun nalang kadali para sayong tanggapin ang lahat matapos mo siyang angkinin!" sabi ko hindi sya nakasagot. Yumuko naman sya at tumingin sa kawalan.

My Ex-boyfriend Is Back [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن