Chapter 21

759 32 12
                                    

Jake POV

"Ano? Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" Batid kong kumunot ang noo niya.

Hindi ko alam kung pa'no ko ito ipapaliwanag kay ate. Alam kong susugod siya agad dito kapag sinabi ko ang totoo. Pero ayukong mag-sinungaling sakanya. 'Yan ang pinaka-ayaw niya sa lahat.

Mas lalong hindi ko inaasahan na nag-uusap na pala ang pamilya ko sa kasal namin ni Nafia na dati ko pa gustong makamit. Pero bumaliktad na ngayon.

Dati na halos gusto ko ng lumuhod sa harap ng mga magulang ko at nag-mamakaawa para lang matuloy ang kasal. Dahil gusto kong tuluyang maging akin si Nafia habang dala ang apelyedo ko sa mundong 'to para makasama siya habang buhay.

Ngayon.. Hindi ko na maintindihan. Dumating na nga ang hiniling ko, kapalit naman ang pag-labas ng bagay na hindi ko inaasahan.

Kung hindi ito mangyayari, maging masaya kaya ako? Kontento na kaya ako?

Kaya naman pala halos lahat ng taong nakakasalamoha ko, parating sinasabi na hindi ko kamukha si Ford. Ni isang ugali ko, walang namana sakanya. Halos lahat kay Nafia.. at kay Nico. Kung iisipin ko ang ugali ni Niko, may pagka-suplado ng kunti pero mabait naman. Nakikita ko sa mukha niya ang pagkahawig ng mukha ni Ford.

Shit!

Mga alaalang nagdaan samin ng anak ko, biglang sumabog. Kung pa'no ko siya alagaan. Kung pa'no ako lubusang natural no'ng dumating siya. Sobrang gaan sa loob. Halos lahat ng problema ko nawala nang dahil kay Ford, kay Nafia. Nung oras kung pa'no ko siya inaalagaan, pinahiga sa mga braso ko habang tinatahan. Lahat ng mga masasayang ala-ala, umiba ang timpla.

"Jake? Nandiyan ka pa ba?" Tanong ni ate sa kabilang linya.

Biglang tumulo ang luha ko at pinipigilang humagulgul dahil ayukong magtaka si Ate. Pero hindi ko yata kaya. Kahit mahinang hikbi ko na pinipilit kong hindi gumawa ng tunog ay hindi ko mapigilan.

"Jake? Hello? May problema ba?" Tanong niya sakin.

Hindi ko alam kung pa'no simulan. Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko na kahit gusto kong mag-salita ay wala akong masabi.

"Ate," sambit ko. Kahit anong pigil ko sa luha ko ay hindi ko magawa.

"Mag-salita ka nga, Jake! May problema ba? May problema ba kayo ni Nafia? Umiiyak ka ba?" Kahit hindi ko nakita ang mukha niya ay ramdam ko ang pag -alala niya sakin.

"Jake," rinig kong sambit ni Nafia. Ramdam ko ang kamay niyang pumupulupot sa bewang ko. Rinig ko din ang hikbi niya dahil dinikit ang mukha niya sa likod ko habang umiyak. "'Wag mo 'kong iwan, please." Iyak niyang sambit.

Napamura ako sa isip ko at marahil napapikit. Maya maya pa ay inis kong kinabig ang braso niya upang maalis sa pagkakayakap sa bewang ko.

Agad ko siyang nilingon at binigyan ng matalim na tingin. Hanggang ngayon, namamaga parin ang mata niya sa kakaiyak.

"Matapos ang pang-gagamit mo sakin, sasabihin mo talaga sa harap ko na 'wag kitang iwan? Nahihibang ka na ba, Nafia? Hanggang ngayon pa rin ba magustohan mo pa rin ang masusunod sayo? Paano ang ama ni Ford? 'Wag mong sabihin ipagdamot mo siya kay Nico?!" Sunod sunod kong tanong sakanya.

"Jake, anong pinagsasabi mo diyan?" Rinig kong boses ni Ate pero hindi ko siya pinansin.

"Alam mo naman pala na si Nico ang ama, bakit sakin mo pa pinasa? Dahil mahal mo 'ko? Putanginang damdamin 'yan!"
Bininaba ko ang telepono. At galit na tumingin kay Nafia.

My Ex-boyfriend Is Back [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora