Chapter 10

636 18 3
                                    

Darlene POV

Nasa mall ako ngayon. Kasama ko sina ChiChi at Main. Nag-yaya ang dalawa na lumabas dahil boring sa bahay. Lalo na't hindi din uuwi ang mag-ina sa bahay ngayong tanghali dahil doon lang daw sila kakain sa skwelahan.

Tatanggi naman talaga ako sa alok nilang dalawa, eh. Kaso pinilit ako, kaya sumama nalang ako kahit napipilitan. Wala naman akong ginawa kanina, pero parang pagod ang boung katawan ko. Kaya nga ayukong sumama, eh, dahil nakakapagod mag-lakwatsa.

"Hay! Sasama na talaga ako sa pag-hatid ni Chelsea, wala akong wala akong magawa sa bahay, eh." Chichi. Habang kumuha ng Checheria.

"Ako din, kung uuwi naman ako sa'min, wala din akong gagawin." Main. Habang siya ay nagtutulak sa cart. Kaya ako, ay nakinig nalang at umastang parang walang kasama.

Oo, tama. Wala talaga kaming gagawin sa bahay. Ewan ko sa dalawang 'to kung bakit hindi man lang nagtrabaho.

"Alam mo, Chinggay. Simula no'ng umuwi si Nico, hindi na kayo lumabas. 'Yun pa naman sana ang inexpect ko." Dagdag ni Main. Lumingon ako kay Chinggay at mukhang nanlumo siya.

Sa tuwing uuwi si Nico galing bakasyon, palagi silang gumagala dati. Halos ayaw na nilang mag-hiwalay, eh. Pero mukhang nagbago na ngayon.

"Oo nga, eh. Simula no'ng umuwi siya, palagi ko siyang tinatawagan, tapos ayaw sagutin, eh. Tinext ko naman siya, kaso matagal siyang rumeply, tapos tipid pa."

"Bakit hindi mo yayain?" Matagal bago sumagot si Chichi na animoy nag-iisip. Bumalut parin sa mukha niya ang pag tataka at parang 'yun 'yung mga sinabi ni Nico.

Pati ako na curious na din, eh. Kung ano ang punto ni ChiChi, 'yun din ang punto ko. Pero hindi lahat ng salitang 'panindigan' ay bata na kagad ang ibig sabihin. Marami kasi ang ibig sabihin sa salitang 'panindigan', eh.

"Pa'no ko siya yayain? Eh, hindi nga niya sinasagot ang tawag ko, text ko. Hindi din siya dumadalaw parati sa bahay." Sabi ni ChiChi na may lungkot..

"Tsk! Segi, 'wag kang mag-alala, sasabihin ko sakanya. Tutal, mukhang namiss ka no'n. Yie~" Kinusot naman niya sa gilid si ChiChi kaso umiwas ito.

Mas malaki talaga ang suporta ni Main kay Nico kung si ChiChi ang maging kasintahan niya at isa na ako do'n. Bagay na bagay kasi sila, eh. Kaso kung gaano man sila mag kulitan dati, 'yun naman ang ikinalamig ni Nico ngayon. Baka lang naman.

"Tsk! Hindi muna ako kikiligin diyan sa sinabi mo, Main. Ngayon, aalamin ko muna ang tinatago ng kapatid mo."

"Hanggang ngayon parin ba, pinag-hihinalaan mo si Nico?" Tanong ni Main sakanya. Habang ako ay tahimik lang at palipat-lipat ng tingin sakanilang dalawa. Umiwas din kung gusto ko.

"Hindi man niya pinakita sakin na may tinatago siya, pinaramdam niya naman sakin. Kilalang-kilala ko si Nico, sa tinatagal-tagal pa ba naman namin magka-kilala. Saka, kapatid mo siya, 'di ba? Hindi ka man lang nagtataka sa kilos niya? Kung ako nga, hanggang bestfriend lang, eh. Ikaw pa kaya na kapatid niya?"

Napatingin ako kay Main na napa-isip din. Kung kumilos kasi si Nico ngayon, mukhang satingin ko, wala siyang tinatago. Pero ramdam ko namang may nilihim siya, hindi nga lang ako sure kung tama ba ang kutob ko. Hayst! Ewan!

My Ex-boyfriend Is Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now