Chapter 9

555 14 1
                                    

Main POV

Kinabukasan, ay agad akong umuwi samin dahil gusto kong tanongin si Kuya do'n sa mga sinasabi niya kay ChiChi. Hanggang ngayon, bumabagabag parin sa isipan ko.

Ewan ko ba kung paniniwalaan ko ba 'yung mga sinabi ni ChiChi na may anak si Nico dahil 'yun din ang punto ko sa sinasabi niya.. meron sa side ko ang paniwalaan 'yun pero meron sa isipan ko na hindi paniwalaan 'yun. Kapag may nilihim si Nico sa pamilya namin, sakin kagad siya lalapit at sasabihin niya sakin ang mga secreto niya.

'Yun ang unang dahilan kung bakit ayukong maniwala na may anak si Nico. Dahil kung meron man, sasabihin niya kagad sakin, bago sa mga magulang namin. Kinakabahan tuloy ako.

'Dinadasal ko na sana mali 'yung inisip namin, kuya.'

Pag-uwi niya dito sa pinas, hindi kagad siya umuwi sa bahay dahil pinuntahan niya ang mag-ina. Pero wala siyang sinabing dahilan kung bakit siya umuwi dito sa pinas.

[Bahay]

Pagka-dating ko sa bahay, bumisena muna ako hudyat na ipag-buksan ako ng gate. Mabilis kong pinark ang kotse ko at dali-daling pumasok ng bahay.

Padabog kong binuksan ang pinto. Huminto ako at nilibot ang paningin ko sa loob pero walang Nico ang nakita ko. Nahagip sa paningin ko sina Mommy at Daddy.. nagulat din sila sa pag dating ko.

"Main!! Sa susunod kumatok ka naman!" sigaw ni Mommy sakin. Agad akong lumapit sa direksyon nila at imbes na huminto ako ay agad ko silang nilagpasan at sumilip sa kusina kaso si Manang Henya lang ang nakita ko.

Agad akong tumalikod at bumalik sa pinanggalingan kung saan sina Mommy naka-upo.

"Nasan si Nico?!" Tanong ko na may owtoridad ang boses. Hindi ako mapakali, eh, bakit ba??

Nagtinginan naman silang dalawa bago lumingon sakin... OA ba ako masyado?

"Nasa si Nico?!" Tanong ko ulit.

"Main, ano bang problema mo? May nangyari ba sayo? Nag-aaway na naman ba kayo ng kuya mo?" Pag-alalang tanong ni Daddy sakin. Umiling nalang ako.

Lumingon ako sa itaas dahil nag-babasakali akong nandoon si Nico. Lumingon muna ako sa kanilang dalawa bago ko sila nilagpasan.

Patakbo akong umakyat sa hagdan at mas lalong binilisan ko pa. Nang nasa itaas na ako ay agad akong nagtungo sa kwarto niya. Kaso bigla akong napahinto ng bumukas ang pinto at bumungad si Nico.

Tinignan ko naman siya sa ulo hanggang paa. Bago ko s'ya tinignan na masama.

"What?!" Inis niyang sabi. Agad ko syang nilapitan at tinulak papasok sa loob at sinara ang pinto. "Ano bang problema mo?!"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at kumalma. "May itatanong lang sana ako."

"Tsk. Mag-tatanong ka lang pala pero kung umasta ka parang kang praning. Tinulak mo pa ako. Sana nag-tanong ka kagad no'ng huminto ka." Sabi niya.

"Dederitsohin na kita, ah? Ano bang ibig mong sabihin sa sinabi mo kay ChiChi no'nng umuwi ka dito sa pinas?" Seryusong tanong ko. Umiwas siya ng tingin na animoy nag-iisip.

At muli siyang lumingon sakin. "Ang alin ba do'n?"

"No'ng mismong araw ng uwi mo dito. O baka naman gusto mo pang ipaalala ko pa sayo?" Sarcastic kong sabi sakanya. Hindi siya nag-salita at seryusong tumitig sakin. At ganun rin naman ako sakanya.

My Ex-boyfriend Is Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now