Chapter 2

739 18 2
                                    


Charm POV

Nang maka-uwi kami sa bahay, do'n na guminhawa ang pakiramdam ko. Sobra akong kinakabahan kanina dahil bumalik na si Jake. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Baka dumating ang panahon pag nalaman niya na may anak siya sakin, baka, kukunin niya sakin si Chelsea, si Chelsea na naging buhay ko no'ng wala siya.

Sa araw na ito, kailangan ko nang maging matatag para sa anak ko. Ayukong mawala siya sakin, hindi ako papayag. Sasabihin ko kay Chelsea na patay na ang daddy niya, kung 'yun ang nararapat. Lalo na't pakiramdam ko na sabik na sabik siyang makita o makilala ang daddy niya dahil limang taon na niya itong hindi kilala. Kung alam ko lang na ito pala ang mangyari, e'di sana noon ko pa sinabi sakanya na patay na ang daddy niya. Inunahan lang talaga ako ng takot.

Duwag na akong duwag, ayuko lang mawala si Chelsea sakin, baka sa susunod na araw, sasama na siya kay Jake.. Tama..hindi dapat ako matatakot na harapin siya kung nag-kataon. Beside, he's just my ex, my past, my nothing kaya hindi dapat ako kabahan.

Kahit maging si Nafia pa ang kaharap ko.

"My god! Sino 'yung babaeng kasama ni Jake?" Agad akong napatingin kay Main dahil sa sinabi niya. Wala naman akong napapansin na may kasama siya.

"Bakit ka pa nag-tataka? Eh, malamang si Nafia 'yun, sino bang hindi magkakandarapa kay Jake, eh, siya lang naman!" Sabi ni ChiChi. Nandito lang naman kami sa dinning, buti nalang wala dito si Chelsea.

"Wala naman akong napapansin na may kasama siya, ah?" Singit ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang lumingon sa gawi ko.

"Paano mo mapapansin, teh? Eh, daig mo pa ang isang machine sa sobrang bilis." Sagot ni Chichi habang nakangiti. Napa-smirk naman ako at nag-iwas ng tingin sakanya.

"Eh, sa natatakot ako na baka makita niya ako, tayo, si Chelsea." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.. totoo naman eh, natatakot talaga ako.

"Cha," Singit ni Darlene na ikinalingon namin sakanya. "Hindi ka dapat matakot sakanya, ex mo na siya. Wala na siya sa buhay mo. Kung mag-kita kayo, umiwas ka nalang o di kaya, harapin mo siya.. kapag handa kana. Kung lahat nga ng pagsubok niyo ni Chelsea hinarap mo, 'yun pa kaya kay Jake na 'ex' mo na." Pinag-diinan niya talaga ang salitang 'ex'. Nakaka-tameme naman 'yun. Kung sa bagay may point siya.

"Pero hindi ko lang siya ex, Dar. Ama siya ng anak ko,"

"Kaya nga harapin mo, eh." Sabi ni Main sakin. Lumingon naman ang dalawa sakanya. "Alam kong kaya mo 'yan. Pero kapag si Nafia ang kaharap mo, text mo kagad samin, ha? Para mapatay ko," Pfft. Napangiti at napahalakhak ako ng kunti dahil sa sinabi niya ganun din naman ang dalawa. Ngunit agad ding nawala ang ngiti ko.

Tama, harapin ko dapat siya. At ipatikim kung gaano kabagsik ang pag-iwan niya sakin. Kaya mo 'to Charm, Kaya mo 'to.

"Pero nandito na si Jake, Cha. Anong gagawin mo?" Lumingon naman ako kay ChiChi.

"Wala akong pakialam," Seryuso kong sabi.

"'Yun!" Main

"Eh, ano naman ngayon kung bandit siya? Paki ko ba sa buhay niya? Eh, may Nafia na siya, may anak pa. Pinili niya 'yun kesa samin, eh. Kung ano man ang ikinamalas ko sakanya, 'yun naman ang ikina-swerte ko kay Chelsea." Pinanindigan ko talaga 'yun.

My Ex-boyfriend Is Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now