Chapter 3

683 16 1
                                    

Charm POV


Pagka-dating kong grocery mall, bigla akong kinakabahan. Ewan ko kung bakit. Parang may pumipigil sakin na 'wag nalang pumasok. Bahala na nga. Lintek na dibdib na 'to, napaka- OA.


'maki-pasok na nga,'


Agad kong kumuha ng Cart. Una kong pinuntahan ang Vegetable Area (V.R), kung ano-anong Gulay ang kinuha ko at sinilid sa cart. Pero syempre, kasama na do'n ang paboritong gulay ni Chelsea. Buti nalang talaga na sina-sanay ko siyang kumain nito at hindi puro nalang junkfood.


Kumuha din ako ng kung ano-anong pweding e-sangkap sa mga lulutuin. Pero mas dinami ko ang mga kamatis, dahil kapag walang uulamin sa bahay, ito ang gawing ulam ni Darlene.. at Chelsea.


Mararami din ang binili ko dito sa V.R. Habang tinulak ko ang cart ay pasimply akong tumingin sa mga gulay na hindi ko pa nabili. Kumuha ako ng patatas at iba pa gulay na meron dito.


Napag-isapan kong pumunta sa Meat Food Area (MFA) . Bumili ako ng parte ng manok at baboy dahil favorite nilang tatlo ng mga kaibigan ko.. lalo na si Chelsea kung adobo ang ulam. Kahit ano-ano basta adobo.


Agad akong natigilan sa pagtutulak. Pupunta na sana ako sa kung saan naka-display ang milk at biscuits para kay Chelsea. Kaso nga lang, may nakita akong lalaki. Kaso nakatalikod siya sakin.


Nakatalikod kasi siya sakin kaya pamilyar sakin. Wala namang sumagi sa isipan ko ang mga lalaking kakilala ko.


Isang hakbang pagkalipas ng limang sigundo akong naglalakad kasabay ng paglingon sa lalaki. Ewan ko lang kung saan babaling ang ulo ko kaka-silip sakanya. Nakatalikod talaga siya.


'Pisteng utak naman, oh. Wala talagang pumasok sa isipan ko kung sino sa tingin ko ang lalaking ito,'


Bigla akong huminto at tumayo ng maayos. Nang bigla siyang naglalakad at biglang lumiko hanggang sa nawala sa paningin ko..


'Parang si ano.. si.. si Jake ba 'yun? Hanggang dito pa naman?!'


Napailing nalang ako dahil sa iniisip ko at lumakad ulit ng maayos. Kung siya man 'yun wala na akong paki-alam do'n. Hindi na ako magtataka kung bakit nandito siya. Malamang, dahil sa mag-ina niya. At pakiramdam ko kararating lang nila dito sa pinas.


'Napaka-updated ko naman 'ata sakanya. TSK! Bahala siya!'


Umiling nalang ulit ako. Kumuha ako ng paboritong milk ni Chelsea, 'yung yakult. At Juice na Fit in Right, tsaka beer na sinilid sa can. Paborito kasi naming apat 'yun eh. Dapat nga lima kami ngayon, kung hindi lang tumingin 'yung isa sa buhay ko.


Sobrang dami na yata itong binili ko. Sobrang dami rin kasing binigay ni Darlene na pera, eh. 10 thousand yata ito, hindi ko na binilang. Ganyan talaga si Darlene bumigay ng pera kapag para sa bahay.. Nakaka-ingit tuloy.


Binili ko na rin kung anong gusto kong bilhin. Hindi ko na sasabihin sa inyo, sakin lang 'yun. Damit lang naman 'yun, oh, ayan sinabi ko na..


Agad akong pumunta sa cashier at pina-total kung mag-kano lahat. Ewan ko lang kung kaya ko itong buhatin. Basta kaya ko, kaya ko talaga. Nang matapos, ay kagad kong nilagay sa likod ng kotse. Syempre nag-patulong ako sa bagger, no. Ang kapal ng mukha ko, 'di ba? Bakit sa tingin niyo ba kaya ko itong buhatin? Kunting bitbit ko lang sa supot, feeling ko, tatanggal ang braso ko..


Nang matapos ay nasa-tatlong hakbang ko palang papuntang driver seat's ay biglang may nabangga ako. Hindi ko napansin 'yun dahil naka-yuko ako.


My Ex-boyfriend Is Back [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant