Chapter 18

498 15 0
                                    

Charm POV

"Anong nangyari sa inyo ni Chichi?" Tanong ni Main sakin matapos maihatid namin si Chelsea sa classroom nya. Naglalakad kami ngayon papuntang bench. "Galit ba siya sayo, kaya hindi ka niya pinansin?"

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Hindi ko alam, eh. Sinubukan ko siyang kausapin kahapon pero... ayaw niya." lungkot kong sabi. Bakit hindi nya lang sabihin sakin kung ano ang nagawa ko sakanya, nang sa ganun mag-sorry ako.

Nang makarating kami sa bench ay agad kaming umupo. Nga pala, kami lang ni Main ang humatid kay Chelsea. Gusto mang sumama si Darlene kaso.. kakausapin nya muna si Chichi.

"Grabe naman," Bulong nya. "Engineer ka ba?"

"Bakit?" Taka kong tanong.

"Pumatong-patong na kasi 'yung problema mo, eh. Sana lumindol ng mabawasan."

Inirapan ko naman sya. "Tsk! Sana ganun na lang kadali, 'no?"

"Himala! Wala yata ang mag-ina." sabi nya habang nakangiti. Hindi na ako nagtanong kung sino ang tinutukoy nya dahil halata namang si Nafia at 'yung anak nya ang tinukoy.

Hindi ko nalang sya pinansin at tumungo nalang. Ayukong pag-usapan ang pamilyang 'yun dahil kapag sumagot ako, hindi na hihinto ang bibig nyan sa kakakuda at kakatanong. Ang dapat kong isipin ay.. kung pano sabihin kay Jake ang totoo.

Ayuko ng patagalin pa 'to dahil nakakapagod ng itago ang katotohanan. Okay lang naman sakin kung si Nafia ang pipiliin nya sa huli dahil ang mahaga sakin ay ang sabihin nalang sakanya na may anak kami. Marami pa namang lalaki dyan na mamahalin pa ako ng buong-buo at hindi ako iiwan eh.

"Main?" Tawag ko sakanya.

Lumingon sya sakin. "Oh?"

"Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko. Kahit alam kong sarili ko lang ang dapat makasagot.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pa'no ko ba sasabihin kay Jake ang totoo?"

Tumingin sya sa kawalan na parang nag-iisip bago lumingon sakin. "Siguro dapat mong sabihin sakanya ang totoo," sabi nya. Biglang kumunot ang noo ko dahil sa sagot nya. Ano ba namang klasing sagot yan? Kung ano ang tanong, tanong din ang sagot.. ang galing.

"Pa'no nga?"

"E, 'di sabihin mo." Sagot nya na ikinainis ko.

"Pa'no nga sabi?!" Kunting kunti nalang Main. Please, sumagot ka ng maayos.

"Sabihin mo na, 'Jake, may anak tayo,' ganun!"

"Ano?! Ganun na lang kadali?"

Tinignan nya ako ng walang ganang tingin. "Eh, 'di mag-korean ka para mahirap!" Inis nyang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ibang klase din pala ang babaeng ito.

"Main naman, eh!" maktol ko sakanya. Sino bang kasama ko ngayon? Si Main o si Dar? Hindi naman Ito ganito dati eh..

"Dai..." bigla naman syang sumeryuso. "'Di ba, sabi mo, kung ano ang sabi ng puso't isip mo, 'yun ang plano? Gawin mo kung ano ang nararapat para sa inyong mag-ina nang sa ganun malaman ni Chelsea na may ama siya. Alam mo naman, 'di ba, na sabik na sabik ang anak mo na makilala ang tatay niya? Kaya, sabihin mo sakanya ang totoo..." sabi nya. Yan ang hinahanap kong sagot Main, hindi yung pilosopohin mo 'ko. Kaloka! "Para malaman ni Jake kung gaano kalaki ang atraso niya bilang ama kay Chelsea. Baka sakaling... bumalik ulit siya sa inyo,"

My Ex-boyfriend Is Back [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu