chapter 32

844 15 7
                                    

Cassandra's POV

Tumatakbo ako sa Isang masukal na gubat. Hindi ko rin alam pero takot, takot ang nararamdaman ko Ngayon. Patuloy parin ako sa pag takbo na para bang pag tumigil ako ay may mangyayareng hindi maganda. Bumagal Ang takbo ng may narinig akong umiiyak. Dahan dahan akong pumunta sa pinanggalingan ng iyak na iyun hanggang sa nakita ko ang lalaking nakadapa sa mga damo. Maraming sugat, nakatali ang kamay at nakapiring ang mga mata. Lalapitan ko Sana Siya para tulungan pero nagulat ako ng hindi ko na magalaw ang mga paa ko. Napatingin ako sa mga paa ko at napakunot ang mga noo. Pinilit ko parin igalaw pero walang nangyayare. Bumalik ang tingin ko sa lalaki pero laking gulat ko ng makita ko si lay na may hawak na baril at nakatutok sa noo ng lalaki.

Ngumisi si lay sa akin at sinabunutan ang lalaki habang nakatutok parin Ang baril Niya sa lalaki.

Lumaki Ang mga mata ko at umiling ng marahas. Stop!!

Napaiyak ako ng wala ring boses na lumalabas sa bibig ko kahit anong pilit kong Gawin para awatin Siya.
Ang nagawa ko na lamang ay umiling ng umiling habang umiiyak.

Ang dating nakangising mukha ni lay ay napalitan ng walang emosyon

" I told you, you are mine " sabi Niya at pinutok ang baril sa ulo Ng lalaki

Sabay ng pag kaputok ng baril ay Siya ring pagkaroon ko ng boses

" WAG!! " sigaw ko at napaluhod nalang at humagulgol. Wala akong nagawa, wala nanaman akong nagawa.

Napa angat ako ng ulo at nakita ang maraming students na nakapiring at umiiyak.

NO! NO! Not again!

Tatayo na Sana ako ng may naramdaman akong dalawang kamay sa braso at bibig na bumulong sa tenga ko.

" You cannot run away from me love, never " at pag katapos niyang ibinulong iyon ay narinig ko ang pag sabog sa harapan ko.

-------------

Nagising akong hinihingal at malakas ang kabog Ng puso. Panaginip, isa nanamang masamang panaginip!

Napapikit ako ng mariin at sinubukang kalmahin ang sarili

T*ngina mababaliw na talaga ako katulad Ng hayop na iyon pag hindi pa ako nakaalis dito.

" Feeling better? " Nagulat ako ng may narinig ako na nag salita sa gilid.

Nilobot ko ang tingin ko sa buong kwarto at napansin na medyo madilim pala sa kwarto, tanging lampshade lang ang nag sisilbing ilaw kaya hindi ko makita ang nag salita.

Napakunot ako ng noo at lumapit na ang taong nag salita.

Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

Tss! Nandito pala ang demonyo.

Tinignan ko Siya Ng masama.

" Hanggang kailan mo ako ikukulong Dito ha? Pag baliw na ako katulad mo?! Demonyo ka talagang mamamatay tao! " Sabi ko sakaniya.

Nanghihina pa ako pero hindi ko inisip iyun. Puno na Ng Galit ang puso sa taong nasa harap ko. Ang Dami Ng nadadamay dahil sa kabaliwan Niya.

He looked at me darkly

" Hindi ka makaka alis Dito hanggat hindi mo pinapasok sa kokote mo akin ka. " Sabi Niya ng mahina pero nang gigigil.

" Eh g*go ka pala eh! Sa tingin mo ba magugustuhan ko ang Isang tulad mong kriminal?! Ha! Walang mag mamahal saiyo kung patuloy kang magiging ganiyan lay! Hindi Lahat ng gusto mo, makukuha mo Ng pwersahan! " Sigaw ko sakaniya.

Kinuha Niya ng mabilis ang baril sa likod Ng bulsa Niya at pinaputok sa gilid ko.

Hindi ako nag patinag kahit ginawa Niya iyun. Tinignan ko parin Siya Ng mariin and didn't flinch at all. T*ngina kung ang buhay ko lang ang kapalit para matapos na ang kabaliwan Niya then so be it.

Caged by the Cold boyWhere stories live. Discover now