chapter 21

804 9 2
                                    

pag kapasok ko ng bahay ay nakita kong nag luluto sa kusina si mama. napatingin Siya sa akin at ngumiti.

" oh andyan ka na pala anak, kumusta na Yung project na ginagawa niyo? " tanong Naman sa akin ni mama. napakunot Naman noo ko sa sinabi Niya.

lumapit ako sakaniya at hinalikan Siya sa pisngi.

"project? " tanong ko sakaniya.

" oo Diba? nag text ka sa akin kaninang lunch na gagawa kang project sa bahay Ng kaklase mo? pinahatid mo nga bag mo Dito sa bahay na ikinataka ko eh. saka kakaumpisa palang ng school niyo agad na kayo may project? grabe Naman " sabi Niya sa akin.

so he did that huh? sabi ko sa isip ko.

" anak, okay ka lang ba? bakit ka natulala diyan?" tanong ni mama ay tumigil Siya sa pag luto.

pumiling piling Naman ako at ngumiti sakaniya.

" Wala po ma. pasend na po napagod po Kase ako eh. pina hatid ko narin po bag ko Kase sakto dadaanan po nung kaibigan ko Yung bahay natin Kase po may dala dala kase kaming mga materyales kanina para po hindi na dagdag sa bubuhatin ko" sabi ko sakaniya. pasensiya na na sa pag sisinungaling. sabi ko sa isip ko.

" osige anak. pasensiya na sa Maraming tanong anak, pahinga ka na muna sa kwarto mo at tatawagan nalang kita pag kakain na. Yung bag mo nilagay ko na sa kwarto mo. Yung kotse ko nga pala anak ay napagawa ko na kaya magagamit mo na Yung kotse mo bukas." sabi Niya sa akin.

ngumiti Naman ako sakaniya at niyakap siya. niyakap Niya Naman ako pabalik.

" maraming Salamat ma. si papa nga po pala? " tanong ko sakaniya.

" mal lalate raw Siya Ng uwi dahil may inaayos lang Siya sa office. " sagot niya sa akin.

tumango tango Naman ako .

" ahh osige po. ma akyat na muna po ako." sagot ko sakaniya.

" osige anak. " sagot Niya. hinalikan ko Naman Siya uli at pumunta na sa kwarto

pag ka pasok sa kwarto ay agad ko hinanap ang bag ko. hindi Naman ako nahirapan dahil nasa kama ko lang Naman ito nilagay ni mama.

agad ko kinalkal bag ko at kinuha phone ko. pag kakuha ko ay agad kong tinawagan si zeke.

nakaka ilang ring na pero hindi Niya parin sinasagot kaya kinabahan na ako. ng nakaka tatlong call na ako at wala paring sumasagot ay tumawag na ako Kay cla.

nakakailang dalawang ring palang ay sinagot na agad ni cla.

" hello cass? " sabi Niya sa akin.

" cla? kasama mo ba si zeke Ngayon? " tanong ko sakaniya. iniisip ko na baka alam Niya na sitwasyon ni zeke ngayon at nangyare kanina pero ikinataka ko ang sagot Niya.

" ha? hindi man eh. tumawag Siya kanina at hinahanap ka rin sa akin. tatawagan na Sana kita kanina after Namin mag usap pero tinext Niya ako kaagad na okay na raw so iniisip ko Naman na kasama kayo kanina. saka Saan ba kayo nag punta after niyo lumabas ng room kanina? hindi na kayo pumasok ah? " sabi ni cla na Parang may bahid ng pag tutukso ang boses.

" ah eh.. sasabihin ko saiyo bukas. ahmm salamat cla! " sabi ko Naman sakaniya.

" okie okie! hmm basta I smell something fishy sainyong dalawa hahaha" sabi Niya. kung Sana hindi nangyare Yung kaganapan kanina, nakikitawa rin ako Kay cla Ngayon. pero hindi eh.

" kwento ako saiyo bukas. salamat cla! " sagot ko sakaniya.

" okie okie! babush! " sabi niya. pinatay ko na ang tawag at sinimulan ko ng tawagan si zeke.

please sumagot ka, please sumagot ka. sabi ko sa isip ko.

nagulat Naman ako ng may sumagot sa tawag ko.

" zeke! " pasigaw ko na sabi.

" cass! oh my God! nasaan ka?? Saan ka Nila dinala?! anong ginawa Nila saiyo? okay ka lang ba?! an- " hindi na naituloy ang sinasabi niya ng mag salita ako.

" hey hey calm down. I'm okay and nasa bahay na ako. ikaw dinala ka ba Nila sa hospital? ano pakiramdam mo Ngayon? ayus ka lang ba? " tanong ko sakaniya na hindi rin mapakali.

" I will go to your house. we need to talk and I need to make sure kung okay ka lang" sabi niya ng seryoso.

hindi pa man ako nakaka sagot ay pinatay Niya na agad ang tawag. nag buntung hininga ako at pumikit. at least Alam kong okay lang Siya at hindi Siya dinala kung Saan Saan. sabi ko sa isip ko

balak ko sa nang mag hilamos ng katawan at para rin makapag palit Ng damit pero tinawagan na ako ni mama kaya napag desisyunan ko munang hindi na muna.

pag ka baba ko ay nakita ko siyang Ng hahanda Ng mga niluto Niya sa lamesa.
napatingin Naman Siya sa akin at nag taka.

" oh anak bakit hindi ka pa nag palit Ng damit? " tanong Niya sa akin..

" ah eh mag papalit rin po katapos ko kumain.. " sagot ko sakaniya.

" osige " sabi Niya Ng dahan dahan at may pag tataka parin sa boses niya

umupo na Siya at ganun din ako. nag dasal muna kami saka na kami nag umpisa kumain.

" ma, darating po Yung kaibigan ko Ngayon " sabi ko sakaniya.

" ngayong? hindi ba medyo late na? " tanong Niya sa akin.

" ah Kase po may pahabol po Kase dun sa proj na ginagawa nag ka roon po ng problema and pag uusapan po Namin. " sagot ko sakaniya.

" hindi ba pwede ipag pa bukas yan? masyado na late baka maano pa Siya sa daan " sagot Naman Niya.

" malapit na po Kase pasahan eh" sabi ko sakaniya. sorry na talaga sa pag sisingungaling. sabi ko sa isip ko.

" osige. ay teka, lalaki ba o babae? " tanong Niya sa akin.

" ahmm lalaki po " sabi ko sakaniya

napatingin Naman Siya sa akin ng tila nanunukso

mag sasalita na Sana Siya ng biglang tumunog yung doorbell.

Caged by the Cold boyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora