Titig na titig siya sa 'kin habang sumasayaw kami, tila ba kinakabisa niya ang mukha ko. Umiwas lang siya nang sinuklian ko ang titig niya. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya at ramdam ko ang hiya niya sa nangyari.

Palihim akong umirap, walang pinagkaiba sa ibang babaeng nakakasalamuha ko. Ganitong-ganito rin ang reaction nila t'wing hinaharap ako.

I remember Lexy, siya lang ang babaeng nakakayang pingotin ang tainga ko dahil hindi siya nahihiya sa 'kin. Not that I still love her, siya lang talaga ang naging standard ko sa babae dahil siya lang naman ang naging ex ko.

I smirked when I remember the prank I did to her. Before the party started, binigyan ako ni daddy ng paper bag na may lamang alahas, aniya ay e-regalo ko raw 'yon sa debutante. Dahil walang magawa, at somehow gusto kong mang-inis, nilagyan ko ng plastic ring ang regalo at nilagay sa papel na sa future fiancé niya 'yon galing.

Ewan ko ano pumasok sa isip ko pero nagawa ko na, eh.

"Ahm, thank you so much for bringing my phone back kanina sa waiting area." Isa pang burara, porquet mayaman iiwan na lang ang cellphone sa kung saan-saan.

After the party ay tuwang-tuwa sa 'kin si daddy. Aniya ay nagustohan daw ako ni Mr. Monte Amis. Wala naman akong pake kung sino ang may gusto sa 'kin o wala kaya I just shrugged it off.

"Rose!" Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang lamig sa katawan.

"Bullies na naman?" Napatingin ako sa kaibigan niya nang pagalit itong suminghal. Na naman?

Kanina habang papuntang comfort room ay naabutan ko ang mga babaeng mukhang may pag-t-tripan yata, ang akala ko ay coincidence lang na sinSerene ang na-timing-an nila pero sa narinig ko ay mukhang hindi yata.

"I'm sorry, t-thanks." She handed me her hanky before going with her friends.

Since then, nalaman kong target pala siya ng bullying, every now and then naririnig ko na ang pangalan niya kadalasan sa mga babae na pinag-chi-chismisan siya at sinasabi kung gaano siya ka-mapagpanggap. It's obvious that those girls envy her a lot kaya naman lagi ko silang sinasamaan ng  tingin kapag naabutan.

She's rich and kinda famous, kaya naman nakakapagtakang target siya ng bullying. Mostly kasi ang binubully ay 'yung mga hikahos sa buhay. In her case, baliktad.

Since then also, lagi ko na siyang napapansin sa campus, madalas ko rin siya makitang nakikipag-away o may tinatanggol.

Pero napansin kong wala naman siyang pake kung siya ang pinag-uusapan, lagi lang siyang nakayuko at para bang walang naririnig kahit na harap-harapan na siyang pinag-uusapan.

Why is she like that? How can she do that? Nasabihan ko pa naman siyang brat.

"Bakit ka nandoon?" I said frustratedly, nakita ko kaninang manghang-mangha siyang sumakay sa jeep, para siyang naive!

"A-ah, p-para sumakay?" Kumunot ang noo ko, pilosopa rin, eh ’no? Nakita ko ang pamumutla ng mukha niya, siguro ay natakot siya tapos ngayon ay tinatakot ko pa siya sa tono ko. I calmed a bit.
 

I smirked when I saw her reaction nang abotan ko siya ng baso ng fishball, hindi kakain 'yan. Allergic 'yan sa mga gan'yan.

"Wala akong pera," aniya sabay kagat sa pang-ibabang labi niya. Napansin ko na mahilig niyang gawin 'yon lalo na tuwing nahihiya siya.

Tss, walang pera o ayaw mo lang talagang kumain? Bakit, alam mong third class ang harina niyan at minsan hindi sinasala, tapos may itim-itim na insekto?

Wait, may alam ba 'yan sa gano'n?

"Libre ko," pamimilit ko. Tingnan natin kung kakain ba talaga 'yan. My jaw literally dropped when she started eating the fishball without checking it.  Pinaghalo pa niya ang matamis na sauce at maanghang na para bang lagi niyang ginagawa iyon.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now