"Ano ka ba? 'Wag mo na nga akong tawaging Quera. Ano nga pala ang sadya rito ng pinakamamahal kong kapatid?" Nakangiting tanong ni Reina. Pagkatapos ay agad na tumayo para salubungin ang kanyang nakababatang kapatid na naglalakad na rin patungo sa gawi niya.

"Wala lang naman. Namiss lang kita." Nakangiting sagot naman ng kanyang nakababatang kapatid.

"Seryoso ka ba talaga sa sagot mo, Dalia? Tsk tsk tsk, kilala kita. Ang sabihin mo ay namiss mo lang ang boyfriend mong si Kenneth." Nakangiting sabi ni Reina na ngayon ay nakarating na aa harap ni Dalia.

"Ate, sabihin na nating isa na rin 'yon sa dahilan ng pagtungo ko rito. Pero promise, ikaw lang takag sadya ko rito." Nakangiting sagot ni Dalia.

"K fine. Give chance. Paniwalaan natin." Nakangiting sabi ni Reina.

"Halika nga rito, payakap nga! Miss na kita eh!" Nakangiting sigaw ni Reina.

Kaya naman ay agad na mas lumapit pa si Dalia saka agad na sinalubong ang napakainit na yakap ni Reina. Agad din namang niyakap ng napakahigpit ni Dalia nang napakahigpit ang kanyang kapatid na si Reina.

"Miss na miss na talaga kita, bunso. 'Wag kang mag-alala. Wala naman talgang babae rito si Quero Kenneth. 'Wag kang mag-alala dahil kapag nalaman kong nagloko 'yon. Ako na mismo ang papaslang sa kanya." Nakangiting sabi mi Reina habang niyayakap si Dalia.

Habang nagyayakap sila ay agad din namang lumabas ang tunay na anyo ng kayakap ni Reina. Parang unti-unting nagiging itim ang kulay ng suot nitong kayakap ni Reina. Pagkatapos ay agad na nakita ang uli nito na may takip nang hood ng cloak. Tanging ang bibig lang nito ang nakikita.

"Hindi naman ako magseselos dahil hindi naman talaga ako ang kapatid mo." Sabi ng isang napakamisteryosong engkantado. Agad na nag-iba ang boses ng kayakap niya ngayon.

Tila hindi na tulad ng boses ng kapatid niya ang boses ng kayakap niya ngayon. Agad itong nag-iba at hindi na niya kilala ang kanyang kayakap ngayon.

Kaya naman ay agad na kumalas sa pagkakayakap si Reina at agad niyang nakita ang isang napakahabang cloak na suot nito na kulay itim. Natatakpan rin ang ibabaw na parte ng mukha nito ngayon. Tanging ang parteng ibaba lang ng mukha ng kangang kaharap ang kanyang nakikita ngayon. Tanging ang labi lang nito ang kanyang nakita.

Agad na nanindig ang balahibo at ginapangan ng takot si Reina nang makita niya ang sumilay na isang mala demonyong ngiti sa labi nito.

"S-Sino ka? Hindi na 'yon mahalaga. Pero sige, kung gusto mo talaga akong makilala ay pagbibigyan kita. Ako lang naman, ako lang naman ang papaslang sa'yo!!!" Sigaw nitong isang napakamisteryosong tao at pagkatapos ay agad na kinuha ang espada sa gilid nito saka akmang papaslangin si Reina.

Buti nalang at agad na nakuha ni Reina ang kanyang espada sa kanyang gilid at sinalubong ang espada ng kaharap niya ngayon. Gumawa naman ito ng isang tunog na napakalakas. Isang tunog ng dalawang metal na nagkasalubong na agad din namang narinig ng mga kawal ni Reina at ng heneral nito.

Sabay na napalingon ang kanyang mga kawal at pati na rin ang kanyang heneral sa gawi kung saan nila nakita si Reina kanina, sa trono.

Agad na nanlaki ang kanilang mga mata nang makita nilang kapwa may hawak nang espada ang kanilang Quera Reina at ang kapatid nito. Hindi, hindi pala kapatid niya. Kundi itong isang napakamisteryosong engkantado na nagbabalatkayo na ginaya pa ang wangis ng nakababatang kapatid ni Reina.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now