EPILOGUE

31 7 0
                                    

Caliber's POV

Ito na ang huling araw ng burol ni Zarielle. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya pero kailangan kong maging matatag. Nandito lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya, naisipan ng pamilya ni Zarielle na magbahagi ang bawat isa ng mga memories with Zarielle. Unang nagkwento ang Mommy niya.

"Mahal na mahal ko iyang bata na iyan. Kahit pasaway iyan noong maliit pa lang sila ni Zamuel, pinagtyatyagaan namin. Yung uncle niya hirap na hirap din sa pag-aalaga sa kanya noon. Naalala ko pa dati nakasakay sila sa bike tapos tumama yung isang dulo ng manibela sa tiyan niya kase mabubunggo niya yung kuya niya kaya agad niyang niliko ang manibela kaso biglang tumuwad ang bike at bumagsak siya sa kabilang dulo ng manibela. Iyak siya ng iyak noon kaya umiyak rin si Zamuel, nung nakita niyang umiyak si Zamuel bigla siyang tumigil sa pag-iyak at sinabing tumahan ka na Kuya kapag umiyak ka pa susuntukin kita sa tyan para pareho na tayong nasasaktan" tumawa ng bahagya ang mga tao, sumunod sa harap si Zamuel at nagkwento  na siya. Tumanggi yung Daddy niya na magsalita.

"She's my twin sister and my best friend. We often called each other panget. Madalas rin kaming nag-aasaran pero never siyang nagtanim ng sama ng loob. Nung time na binubully siya ng classmates namin about sa sakit niya, nasasaktan ako. Pumayag ako sa gusto niya na mag-stop muna kase alam kong nasasaktan siya sa sinasabi ng iba. Ako yung Kuya niya, ako yung saviour niya kaya sobrang sakit sa akin na makita na yung pinoprotektahan ko ay wala na. Akala ko magiging maayos na ang lahat, akala ko magiging masaya na siya after operation pero tingnan mo nga naman, naunahan pa niya sina Mommy and Daddy. Kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka na" agad na umalis ang Kuya niya dahil ayaw rin niyang makita ng iba na umiiyak siya.

Sumunod na pumunta si Zabeth sa harapan at muntil pang hindi makapagsalita sa sobrang pag-iyak.

"Si Zarielle..." huminto siya at nagpakawala ng kaunting hikbi. "Si Zarielle, kaibigan ko 'yan. Gagawin niya ang lahat basta para sa kaibigan niya. Mabait siyang anak at estudyante kaya no doubt kung bakit kinuha agad ni Lord, char lang" tumawa pa siya ng bahagya. Pilit niyang pinapatawa ang sarili niya, "Gusto ko siyang sisihin, gusto ko siyang awayin at sampalin pero alam kong ayaw ni Zarielle iyon. Maraming beses na kaming hindi nagkasundo ni Zarielle pero naaayos naman namin agad iyon in the end pero ngayon hindi ko naayos, hindi namin naayos. Nung araw bago siya maaksidente, busy kami sa pagdedecorate ng bahay at paghahanda sa pagbalik niya. Hindi namin iyon ipinaalam sa kanya dahil surprise namin iyon. Nagtext siya sa akin pero sinabi kong 'wag niya muna akong kausapin dahil busy ako makinig sa teacher kahit umabsent talaga kami para sorpresahin sana siya. Gusto kong ipaliwanag na hindi ko sinasadya. Pinagsisisihan ko rin na sinabi ko iyon kase akala ko maipapaliwanag ko pa sa kanya yung mga binitawan kong salita." tuluyan na siyang umiyak kaya inalalayan na siya ng Daddy niya at pinaupos sa isang gilid. Sumunod na tumayo ang babaeng kasama nila sa Field trip, Krisden ata ang name niya.

"Hello po good evening. My name is Krisden. Ako po yung babaeng tatawid sana at magpapakamatay pero dahil kotse iyon nila Ate Zarielle, sila ang naaksidento. Nagi-guilty po ako sa nangyari, pati si Ate at ang Tito niya na ngayon ay coma ay nadamay sa makasariling gawain ko. Akala ko kase matatapos na lahat ng paghihirap ko kapag namatay na ako. Akala ko nakalimutan na ako ng mga kaibigan ko. Noong una nagsisisi ako, sabi ko dapat tumalon na lang ako sa tulay or nagbigti pero nagising ako. Gusto kong patayin ang sarili ko pero may isang tao na laging nagliligtas sa akin, na ayaw akong mamatay. Yes po, pangalawang beses na po akong iniligtas ni Ate Zarielle and I admit na magpapasagasa rin ako nung unang beses niya akong iniligtas. Nagsinungaling ako sa kanya na kunwari hindi ko alam na masasagasaan ako kase baka magalit siya sa akin. Nabuhayan rin ako ng loob kase naging kaibigan ko sila pero nawala rin sila, akala ko hindi na nila ako kilala, nakumbinsi ko ang sarili ko na kinalimutan na nila ako. Maling-mali ako. I'm so sorry, dahil sa akin nawala yung isa sa mahal niyo sa buhay. Gusto ko rin pong magpasalamat sa pamilya ni Ate kase never nila akong sinisi sa pagkawala niya. Opo, hindi ko na po sasayangin ang pangatlong buhay ko. Again, I'm sorry" bumaba siya at tsaka pa lang tumulo ang mga luha niya. Tumingin sila sa akin pati na rin ang magulang niya, sinasabing ako na raw ang susunod.

Tumayo ako at hinarap ang mga taong naging parte ng buhay niya.

"Good evening, my name is Caliber. Maaga akong naulila at nawalan ng taong masasandalan. Hindi ko alam kung paano ko lilibangin ang sarili ko para matakasan ang reyalidad. Nagsakristan ako pero sakit daw ako sa ulo, naninigarilyo at umiinom ako. Nagbago ang lahat ng iyon dahil kay Zarielle. She put pink paints in my black painted room. Siya yung naging sandalan ko sa mga oras na wala akong masandalan. Palagi kaming nag-aaway at nagkokontrahan pero siya yung laging tama at binago niya ang perspective ko sa buhay. Marami siyang itinuro sa akin at isa na ang pagtanggap...pagtanggap na wala na siya at hindi na babalik pa" huminto ako kase nararamdaman ko na pipiyok ako sa mga susunod kong sasabihin.

"At ngayon alam ko na kung bakit lagi mong sinasabi sa akin na kailangan kong maging matapang kase alam mong dadating yung araw na ito na kailangan ko ng lakas para matiis kung gaano kasakit ang pagkawala mo. Zarielle, word aren't enough to say how much I love you."

It's not the ending I imagined but somehow I realized maybe our story is still a happy ending. I just need to move forward and close our book to start my new life with the memories we shared together, I'll treasure it and never be forgotten.

~The end

You Are My Amethyst (Completed)Where stories live. Discover now