CHAPTER 6

13 6 0
                                    


"Zarielle"

Lumingon ako kay Caliber na tumawag sa akin. Tinaas ko ang dalawa kong kilay ay ngumiti ng hindi kita ang ngipin. "Bakit po?"

"Ang bait ah" ngumisi siya at medyo nagtaka ako. Magka-away ba kami? May topak na naman ba siya?

"H-Ha?" tinagilid ko ng kaunti ang ulo ko. Wala pa ang teacher kaya medyo magulo pa kami.

"Akala ko nakalimutan mo na yung ginawa ko, akala ko sincere yang sorry mo" pinagsasasabi ng lalaki na'to? Sincere naman ako sa pagsosorry ko sa kanya. Nakonsensya talaga ako sa ginawa ko.

Kumunot ang noo ko. "Hindi kita maintindihan"

"Ikaw lang ang sinabihan ko about sa pamilya ko Zarielle" nakatingin na sa amin ang mga kaklase ko. Oo, ako mga lang. Ano naman ang problema don?

"O-Oh? May problem ba?" Bakit kinakabahan ako? Wala akong ginagawa na masama ah.

"Ikaw lang pero bakit nalaman na halos ng lahat?" Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata ngunit saglit lang iyon at napalitan na ng  inis at panghihinayang.

"Wala akong pinagsasabihan Caliber" totoo iyon, hindi ko kinwento sa iba. Kahit kay Zamuel hindi ko iyon sinabi.

"Pero bakit nalaman ng iba? Ikaw lang ang sinabihan ko, pero ngayon alam na nila na adik si Papa" nakikita ko na nahihirapan siya sa nangyari pero wala talaga akong ginagawang masama.

Wala akong kasalanan, wala talaga.

"Wala akong ginawa at wala akong pinagsabihan, maniwala ka sa akin" nahihirapan na din ako, hindi ko gagawin iyon lalo na ngayon na alam kong hindi lang crush ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kagabi ko lang narealize na nag-aalala ako sa kanya at gusto ko siyang tulungan pero ano na naman ang nangyari? B-Bakit...bakit kailangan na magka-away ulit kami?

"Zarielle, p-pinagkatiwalaan kita tapos ganito ang isusukli mo? Zarielle 'wag n-nman ganito" tumalikod na siya.

"Caliber!" tumakbo ako papunta sa harap niya. Hinarangan ko siya at pinigilan siya sa paglalakad.

Nanlambot ang tuhod ko, umiiyak siya...

"Caliber maniwala ka sakin, wala akong ginawa please maniwala ka n-naman" pumiyok na ang boses ko at nagsimula na ring umiyak.

"Ang daya. Ang daya-daya ng mundo. Gusto kong magalit sayo pero hindi ko magawa. Gusto...g-gusto kitang sigawan pero hindi ko kaya Zarielle" pinunasan niya ang luha niya.

"Caliber believe me. Hindi ko magagawa sayo iyon." Lumuhod ako sa harap niya pero agad niya akong pinigilan.

"Zarielle ang hirap, h-hindi naman ganoon lang iyon. A-Aminin mo naman, hindi ko k-kayang magalit sa iyo kung iyon ang inaalala mo. Sabi mo sa akin na hindi pa katapusan ng mundo kung tatanggapin ang pagkakamali. I-apply mo naman iyon sa sarili mo, h-hindi yung puro s-salita ka lang."

Inayos ko ang sarili ko, tinanggal ko din ang luha na namuo sa mata ko.

"Kung iyan ang gusto mo, ibababa ko ang pride ko." Huminga muna ako. "I'm sorry Caliber"

Hinilamos niya ang kamay sa mukha niya. "Ikaw nga"

Umalis siya sa harap ko pero may sinabi pa siya na narinig ko. "Basta ang alam ko galit na ako sayo"

Ang daya mo din Caliber eh! Sabi mo hindi ka magagalit!? Hindi man lang siya nagdalawang isip kung totoo ba ang sinabi ko o ginawa ko lang iyon dahil iyon ang gusto niyang palabasin.

Pero siguro nga napakasakit noon para sa kanya. Nasasaktan ako para sa kanya, akala ko ba hindi siya magagalit? Sinabi ko lang naman iyon para gumaan ang loob niya pero bakit sa akin pa nagalit? Wala akong ginagawa. Siguro sobrang sakit kaya kahit na sinabi niya hindi siya magagalit nagawa pa rin niyang magalit.

Tumulo ng tumulo ang luha ko. Napakahirap, napakabigat sa loob. Umamin ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Para akong napagbintangan na nagnakaw at dahil walang ebidensya na makakapagpatunay na inosente ako, bumagsak ako sa bilangguan. Hindi alam kung kelan mapapawalang sala sa krimen na hindi ko naman ginawa.

Gustong-gusto ko siya na umabot na sa puntong kahit pride na lang ang meron ako, ibinaba ko pa. Dignidad ko yun uy, ang sakit sa loob pero nagawa ko. Dapat ko bang ipagmalaki ang sarili ko dahil pinagtakpan ko ang tao na may kasalanan talaga o dapat kong ikahiya ang sarili ko dahil wala ng natitira sa akin?

Caliber akala ko maniniwala ka sa akin, nakalimutan ko ako lang pala ang nagpapapansin sayo. Lagi ko siyang kinokontra para lang mapansin lang niya ako. Sinusungitan ko siya para kulitin niya ako. Ginugusto ko siya kahit alam kong hindi naman niya ako magugustuhan pabalik. Sino nga ba ako para sa kanya? Isa lang naman akong kaklase niya na pinapansin dahil tabingi at hindi pantay ang balikat. Walang wala ako kumpara sa kanya na kilala ng halos lahat dahil basketball player at gwapo pa. Nakakapanliit, nakakaawa ako.

"Zarielle..." lumapit sa akin si Zabeth.

"Elizabeth, w-wala akong k-kasalanan" patuloy pa rin ang paghikbi ko. Nakakapagod na.

"Shhh maayos din ang lahat, tiwala lang" tinapik niya ang balikat ko. Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya hanggang sa wala ng luha ang tumutulo.

"Thank you" sabi ko kay Zabeth.

"Okay ka na ba?" tanong niya. pinunasan konang mukha ko gamit ang panyo.

"Medyo" tumawa ako ng kaunti para mapagaan ang sitwasyon. "Ipaalam mo ako kay Kuya, sabihin mo birthday ng pinsan o...o pamangkin mo. Ayokong umuwi sa bahay ng namamaga ang mata"

Tumango siya at kinuha ang phone. May number siya ni Kuya dahil lagi niya akong pinapaalam kapag may biglaan kaming pupuntahan. Nakipag-usap siya ng ilang minuto bago niya napapayag si kuya.

"Tara uwi na tayo!" Hinatak ako ni Zabeth at laking gulat ko na nasa guard na yung bag ko tas nakalabas kami ng walang hirap.

Hindi ko na pinansin at tinanong kung paano niya ginawa iyon pero mahalaga maka-alis muna ako sa school. Wala na akong pake kung cutting ang tawag don or ewan basta ayoko munang pimasok.

Pumunta kami sa bahay nila at nagpalipas ng ilang oras. Doon din kami kumain, pinakita niya rin sa akin ang mga painting niya na tapos na ginagawa at ang pinapatuyo. Ang galing talaga niya pwede na niyang ibenta kaso ayaw pa daw niya, tsaka na lang daw kapag maganda na talaga. Eh maganda naman na.

Nung medyo madilim na ay umuwi na kami sa bahay, hindi na rin gaano kamaga ang mata ko kaya okay na na umuwi ako. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Zabeth para mapapayag si kuya pero bahala na, madali ng lusutan iyon.

"Sige, ingat ka ah!" Sabi ko sa kanya. Hindi ako pumasok sa bahay hanggat hindi nawawala sa paningin ko ang kotse niya.

"Oh kuya!" Nagulat ako kase pagbukas ko ng pinto ay siya agad ang nakita ko.

"Gulat na gulat? Pasok sa loob!"

You Are My Amethyst (Completed)Where stories live. Discover now